Alynna Velasquez, isang beses lang pinayagang pumunta sa lamay ni Hajji Alejandro
- Nag-viral online ang isang emosyonal na video kung saan makikitang nagdadalamhati si Alynna Velasquez mag-isa sa Walk of Fame star ng yumaong OPM icon na si Hajji Alejandro, habang tahimik na binubuhos ang kanyang sakit at lungkot
- Sa isang eksklusibong panayam, isiniwalat ni Alynna ang matagal nang alitan at hindi pagkakaunawaan sa ilang miyembro ng pamilya ni Hajji, na naging hadlang sa kanya para makasama ang minamahal sa mga huling sandali nito sa ospital at sa mismong burol
- Ayon kay Alynna, hindi siya pinayagang dumalaw noong unang araw ni Hajji sa ICU, at kahit matapos ang pagpanaw nito ay iisang beses lang siyang binigyan ng pagkakataong dumalaw sa burol, dahilan upang piliin na lang niyang umiwas at igalang ang kagustuhan ng pamilya
- Sa kabila ng kanyang pagdadalamhati at pagiging ‘outsider’ para sa ilan, nanatiling buo ang pagmamahal ni Alynna kay Hajji, at nananalig siya na darating ang panahon ng pagpapatawad at pagkakaayos alang-alang sa alaala ng kanilang pagmamahalan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Emosyonal na ibinahagi ni Alynna Velasquez ang kaniyang saloobin sa naging pagpanaw ng longtime partner niyang si Hajji Alejandro. Sa isang panayam kay Morly Alinio, binasag na ni Alynna ang kaniyang pananahimik matapos mag-viral ang isang video niya habang nagdadalamhati mag-isa sa Walk of Fame star ni Hajji.

Source: Instagram
Aniya, hindi siya naging parte ng burol gaya ng inaasahan dahil sa tensyon sa ilang miyembro ng pamilya ni Hajji.
Ikinuwento ni Alynna na kahit noong naka-confine pa si Hajji ay nahirapan na siyang makalapit rito. “I was there nu’ng nawala siya... pero pinilit niya ako na mawala,” ani Alynna tungkol sa isang miyembro ng pamilya na umano’y tutol sa kaniya. Idinagdag pa niyang hindi siya galit, kundi nananalangin na lang na maghilom ang mga sugat para sa alaala ni Hajji. “Hajji knows how I love him and God knows how I talk to [Him] everyday,” saad pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin itinanggi ni Alynna na naging masakit ang hindi pagtanggap ng iba sa relasyon nila ni Hajji. Bagama’t hindi sila kasal sa Pilipinas, nilinaw niyang matagal nang wala si Hajji sa dati nitong asawa bago sila naging magkasama. Aniya, “It was a common knowledge for everyone na I am the partner of Hajji.”
Si Alynna Velasquez ay partner ng yumaong singer-composer at OPM pioneer na si Hajji Alejandro. Kilala si Hajji bilang isa sa mga orihinal na icon ng OPM movement noong dekada 70 at 80. Bukod sa pagiging kilalang personalidad sa entertainment circle, si Alynna ay isang pribadong indibidwal na naging mahalagang bahagi ng personal na buhay ni Hajji sa kanyang huling mga taon.
Matatandaang nilinaw ni Alynna sa isang post na hindi niya sinisisi ang pamilya ni Hajji sa nangyari at umaasa siya sa pag-unawa ng publiko. Nagbigay siya ng mensahe ng kapayapaan para sa mga nakapanood ng viral video niya sa Walk of Fame.
Nagbahagi si Alynna ng spiritual encounter matapos siyang dalawin ng isang purple-necked pigeon, na para sa kaniya ay simbolo ni Hajji. Aniya, purple ang paboritong kulay ni Hajji kaya’t napaiyak siya sa pangyayari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh