Ogie Diaz, proud daddy sa anak na future doktor: “Manifesting na talaga!”

Ogie Diaz, proud daddy sa anak na future doktor: “Manifesting na talaga!”

- Ibinahagi ni Ogie Diaz sa Facebook ang kanyang labis na pagmamalaki sa anak na medical intern na

- Bata pa lang daw ay matalas na ang memorya ng kanyang anak at likas ang interes sa pag-aaral

- Emosyonal si Ogie habang inaalala ang mga tagpo sa White Coat and Pinning Ceremony

- Suportado raw nila ng kanyang partner ang anak sa pangarap nitong maging OB-Gyne

Hindi maitago ni Ogie Diaz ang kanyang saya at pagka-proud sa anak na ngayon ay isa nang medical intern. Sa isang heartfelt post sa kanyang Facebook nitong Mayo 31, buong galak na ikinuwento ng kilalang talent manager ang tagumpay ng anak na si Godhie.

Ogie Diaz, proud daddy sa anak na future doktor: “Manifesting na talaga!”
Ogie Diaz, proud daddy sa anak na future doktor: “Manifesting na talaga!” (📷Ogie Diaz/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Ogie, bata pa lang ay nakita na niya ang potensyal ng anak — kabisado agad ang mga kanta, kabilang ang mga choreography ni Madonna, habang tumatalon sa sofa. “Ang talas ng memorya,” aniya, at dahil dito ay naisip niyang maaaring maging abogado o doktor ang anak niya balang-araw.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit hindi niya pinilit ang direksyong ito. Ani Ogie, “Hindi ipinilit, hindi rin inuto.” Si Godhie mismo ang may matibay na pangarap na maging OB-Gynecologist, inspirasyon na nakuha niya mula sa kanyang ninang na si Dr. Cecille I. Perez, na siyang unang OB-Gyne na sumilip sa kanya noong siya’y isinilang. Isa sa mga goal daw ng anak ay mapasama ang kanyang mga magulang sa entablado sa araw ng graduation, kaya pursigido siyang magtapos na may honors.

Ikinuwento rin ni Ogie na nitong Mayo 27 ay isa siya sa mga proud parents na dumalo sa 11th Medical Technology White Coat and Pinning Ceremony, isang makabuluhang yugto sa medical journey ng kanyang anak. Habang pinagmamasdan ang anak na nagsasalita sa entablado — bilang tagapag-lead ng oath of loyalty at incoming president ng Organization of MT Interns — hindi raw niya napigilang maiyak. Bukod pa rito, natuwa rin si Ogie na ang nobyo ng anak ay kaklase rin nito at kapwa may layuning maging doktor. “Bagay sila at sana sila na rin sa ending,” dagdag niya.

Sa dulo ng kanyang post, isang paalala ang iniwan ni Ogie para sa anak: “No pressure from us... Ang pangarap mo ay maging doktor, hindi maging pasyente.” Isang mensaheng puno ng suporta, pag-unawa, at pagmamahal ng isang magulang.

Si Ogie Diaz ay kilalang personalidad sa showbiz bilang talent manager, vlogger, kolumnista, at aktor. Bukod sa pagiging manager nina Liza Soberano at iba pang artista, kilala rin siya sa pagiging matapang sa pagbibigay ng opinyon sa mga isyu sa lipunan at showbiz. Madalas niyang ginagamit ang kanyang plataporma para magbahagi ng kanyang mga personal na karanasan bilang isang ama, at ngayong proud moment niya sa kanyang anak ay lalo siyang pinupuri ng kanyang followers online.

Naglabas si Ogie ng opinyon para sa mga food vloggers na hindi natutuwa sa mga pagkaing natitikman nila sa content. Ayon sa kanya, kung hindi naman masarap ang pagkain, mainam na huwag na lang ito i-feature para hindi makasakit ng damdamin ng maliliit na negosyante. Dagdag niya, dapat ay sensitibo at may respeto sa pinaghirapan ng iba.

Sa isa namang post, tinalakay ni Ogie ang isang sensitibong usapin sa pagitan ng isang may-ari ng lupa at mga diumano'y ilegal na naninirahan dito. Ginamit niya ang kanyang social media platform upang ipaabot ang parehong panig at hikayatin ang mapayapang solusyon. Layunin niyang maging tulay ng mas mahinahong pag-uusap sa pagitan ng mga kasangkot.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: