'Modern family goals': Ogie Alcasid at asawa ni Michelle, magkasamang inihatid si Leila sa altar

'Modern family goals': Ogie Alcasid at asawa ni Michelle, magkasamang inihatid si Leila sa altar

- Ikinasal na si Leila Alcasid sa musician-fiancé na si Mito Fabie, kilala bilang Curtismith

- Magkakasama sa kasal si Ogie Alcasid, dating asawang si Michelle Van Eimeren, at mister nitong si Mark Morrow at Regine Velasquez

- Sa caption ng wedding photo ay sinabi ni Ogie na “Fatherhood” at pinahayag din ang pagmamahal sa mag-asawang Michelle at Mark

- Dumating ang pamilya ni Ogie sa Sydney bago ang kasal at nag-dinner pa kasama ang buong blended family

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang makabagbag-damdaming eksena ang nasaksihan ng social media followers ni Ogie Alcasid nitong nagdaang Mayo 29, matapos niyang ibahagi ang ilang larawan mula sa kasal ng anak na si Leila Alcasid sa long-time boyfriend nitong si Mito Fabie, o mas kilala sa pangalang Curtismith. Isa sa mga larawan ang naging sentro ng atensyon—isang picture kung saan makikitang magkasama si Ogie, si Leila, at si Mark Morrow, ang kasalukuyang asawa ng kanyang dating misis na si Michelle Van Eimeren.

'Modern family goals': Ogie Alcasid at asawa ni Michelle, magkasamang inihatid si Leila sa altar
'Modern family goals': Ogie Alcasid at asawa ni Michelle, magkasamang inihatid si Leila sa altar (📷@ogiealcasid/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post, pinasimple ni Ogie ang caption sa salitang “Fatherhood 🙏❤️”—isang emosyonal at makahulugang pahayag ukol sa papel niya bilang ama, kahit pa may bagong ‘ama figure’ sa buhay ng anak niya. Ipinakita rin ni Ogie ang respeto at pagmamahal niya sa dating asawa at kay Mark sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang larawan na may caption na “Love you both very much. @michellevaneimeren @mark.morrow68.”

Ikinasal sina Leila at Mito sa Sydney, Australia, ang lugar kung saan lumaki si Leila at kasalukuyang tinitirhan ng pamilya ni Michelle. Sa mga sumunod na post, ibinahagi rin ni Ogie ang wedding signage ng magkasintahan at ilang behind-the-scenes moments gaya ng isang family dinner noong Mayo 28. Sa dinner na ito ay kasama sina Regine Velasquez (asawa ni Ogie), Nate (anak nila ni Regine), pati na sina Leila, Sarah (anak din nina Ogie at Michelle), at ang mag-asawang Michelle at Mark.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang makikita sa mga larawan at post ni Ogie ay isang modernong larawan ng isang blended family—magkakaibang pamilya ngunit iisa ang layunin: ang suportahan at mahalin si Leila sa mahalagang yugto ng buhay niya. Bagaman ex-couple na sina Ogie at Michelle, hindi naging hadlang ito sa pagkakaroon nila ng bukas at maayos na relasyon para sa mga anak nila.

Ogie Alcasid ay isa sa mga respetadong pangalan sa OPM at entertainment industry ng Pilipinas. Kilala siya sa mga timeless hits gaya ng “Nandito Ako” at “Bakit Ngayon Ka Lang.” Siya rin ay aktibo sa songwriting, acting, at hosting. Ikinasal siya kay Regine Velasquez noong 2010 matapos ang annulment nila ni Michelle Van Eimeren, isang Australian beauty queen na naging asawa niya noong 1996.

Nagbigay-pugay si Ogie Alcasid sa yumaong OPM legend na si Hajji Alejandro sa pamamagitan ng isang heartfelt tribute. Sa kanyang social media, ibinahagi niya ang malaking impluwensya ni Hajji sa kanyang karera at sa buong musikang Pilipino. Pinuri rin ni Ogie ang pagiging makabayan ni Hajji sa pamamagitan ng kanyang mga kanta.

Naglabas ng babala si Ogie sa publiko tungkol sa isang poser na gumagamit ng kanyang pangalan at larawan sa Facebook. Ayon sa singer-songwriter, wala siyang koneksyon sa account na ito at pinayuhan niya ang publiko na huwag magpaloko. Ipinapaabot niya rin ang pasasalamat sa mga tagahanga na patuloy siyang ipinagtatanggol sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: