Vice Ganda, todo suporta kay Klarisse de Guzman sa gitna ng eviction risk sa PBB

Vice Ganda, todo suporta kay Klarisse de Guzman sa gitna ng eviction risk sa PBB

- Sampung celebrity housemates ang nominado ngayong linggo sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab matapos mabigo sa immunity challenges

- Klarisse de Guzman kabilang sa mga nominado, ngunit agad siyang dinalanginan ng suporta mula kay Vice Ganda sa Showtime Online U

- Hinimok ni Vice ang publiko na huwag munang iboto palabas si Klarisse, sabay biro na hindi raw pwedeng maraming blondina sa labas ng Bahay ni Kuya

- Iba ngayon ang sistema ng botohan dahil viewers na ang pipili kung sino ang gusto nilang iligtas sa eviction, kaya mas intense ang tensyon sa bawat kampanya ng housemates

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isa si Klarisse de Guzman sa mga celebrity housemates na nominado ngayong linggo sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab, at hindi nag-atubiling ipahayag ni Vice Ganda ang kanyang suporta para sa kaibigang singer.

Vice Ganda, todo suporta kay Klarisse de Guzman sa gitna ng eviction risk sa PBB
Vice Ganda, todo suporta kay Klarisse de Guzman sa gitna ng eviction risk sa PBB (Klarisse De Guzman Page/Facebook)
Source: Facebook

Sa episode ng Showtime Online U, tinanong si Vice tungkol kay Klarisse, kaya agad siyang nanawagan sa publiko:

“Si Klarisse suportahan niyo. Wag muna nating palabasin si Klarisse. Doon muna siya sa loob, hindi pwedeng maraming blondina sa labas ng Bahay Ni Kuya,” pabirong saad ng It’s Showtime host.

Kabilang si Klarisse sa sampung nominado matapos mabigo sa Big Intensity Challenges. Ang mga ligtas mula sa nominasyon ay sina Esnyr at AZ, pati na rin sina Ralph at Shuvee, matapos magtagumpay sa kani-kanilang mga challenge at tumanggap ng final duo medals. Sa bagong twist ng show, hindi na automated o negative vote ang sistema; ang viewers na ang pipili kung sino ang gusto nilang iligtas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasama ni Klarisse sa mga nominado mula sa Kapamilya side sina Bianca, Brent, River, at Xyriel, habang mula naman sa Kapuso side ay sina Charlie, Dustin, Mika, Vince, at Wil.

Ang show ay pinangungunahan ng mga Kapamilya hosts tulad nina Robi Domingo, Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee, at Alexa Ilacad, habang sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi naman ang nagrerepresenta ng Sparkle GMA artists. Ang pinakabagong house guest ay si Kapuso actress Bianca Umali.

Si Klarisse ay unang nakilala bilang finalist ng The Voice of the Philippines at kilala sa kanyang matitinding birit at heartfelt ballads. Bukod sa kanyang singing career, unti-unti na rin siyang sumisikat bilang reality show star matapos ang kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya. Maliban sa pagiging mahusay na performer, pinupuri rin siya ng mga tagasubaybay dahil sa kanyang authenticity at pagiging low-key.

Sa isang episode ng PBB, naging usap-usapan ang tensyon sa pagitan nina Klarisse at Dustin Yu habang tinatapos ang weekly task ng housemates. Bagamat hindi naging physical ang sagutan, napansin ng viewers ang awkwardness at tila iringan sa pagitan ng dalawa. Marami ang humanga kay Klarisse sa pananatiling kalmado at propesyonal sa kabila ng pressure.

Isang sweet moment naman ang naganap nang makatanggap si Klarisse ng espesyal na regalo mula sa kanyang girlfriend habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Naging emosyonal ang singer at hindi napigilang mapaiyak sa mensaheng ipinadala sa kanya. Ang nasabing eksena ay umani ng positibong komento mula sa netizens na humanga sa totoong pagmamahalan ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate