Janice de Belen, kontento na sa single life: "Ayoko na ng kasama sa kwarto"
- Inamin ni Janice de Belen sa panayam kay Karmina Constantino na ipinagdarasal niyang huwag na siyang ma-in love muli
- Ibinunyag ng aktres na nawawalan siya ng direksyon sa buhay kapag siya ay umiibig at hindi na nagiging lohikal ang kanyang pag-iisip
- Masaya na umano siya sa pagiging single at sa kalayaang gawin ang gusto niyang mga bagay, tulad ng pagbili ng maraming libro
- Ayon kay Janice, alam niya na kahit ano pang heartbreak ang danasin niya, babalik at babalik pa rin siya sa dating pattern ng sarili niya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi na umaasa sa panibagong pag-ibig ang beteranang aktres na si Janice de Belen, ayon na rin sa naging rebelasyon niya sa panayam ni Karmina Constantino sa isang YouTube interview.

Source: Instagram
Nang tanungin kung bukas pa ba siya sa pagpasok ng panibagong relasyon, diretsahan niyang sagot, “I keep on praying that it does not happen.” Inamin ng aktres na kapag siya ay in love, hindi siya nagiging lohikal at tila wala na siyang sense of direction.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“I saw myself when I was in love… I was not being logical, I was not a rational person,” pagbabalik-tanaw ni Janice. Hindi raw ito kasalanan ng ibang tao kundi ng sarili niya, at buong-pusong tinanggap na niya ang bahaging iyon ng kanyang pagkatao. Sa kasalukuyan, kontento na siya sa solo niyang buhay—walang kahati sa kama, banyo, at higit sa lahat, sa remote control. “Ito ang pinaka-trivial sa lahat: ayoko na ng may ka-share sa remote control,” dagdag pa niya.
Masaya si Janice sa kalayaang maipahayag ang sarili at magawa ang mga nais niya nang hindi kailangan ng pahintulot mula sa ibang tao. “Ngayon, kung gusto kong bumili ng sampung libro, hindi ko kailangan magpaalam,” ani niya. Para sa kanya, mahalagang tanggapin kung sino ka talaga, dahil kahit pa magbago ang kilos o ugali mo dahil sa mga karanasan, ang core o pinaka-ugali ay mananatili.
“You change as a person, but your core does not change. So feeling ko, I will be back in the same pattern,” pahayag ni Janice. Naniniwala siyang kahit magbago man ang approach sa love, ang kanyang natural na reaksyon sa pag-ibig ay mananatili pa rin.
Si Janice de Belen ay isa sa mga batikang aktres ng Philippine showbiz na unang sumikat noong dekada ’80. Nakilala siya sa mga drama serye at pelikula, at mas lalong hinangaan sa kanyang versatility bilang artista. Nagkaroon siya ng anak sa aktor na si Aga Muhlach, at kalauna’y nagpakasal sa aktor na si John Estrada noong 1992. Naghiwalay sila at na-annul ang kasal noong 2004. Mula noon, nanatiling pribado ang love life ni Janice habang patuloy na aktibo sa kanyang trabaho at pagiging hands-on na ina.
Na-offend si Janice sa ilang netizens na tila minamaliit ang kanyang pagiging entrepreneur. Ayon sa aktres, hindi niya ikinahihiya ang pagtitinda dahil ito ay marangal at lehitimong pagkakakitaan. Hinikayat pa niya ang publiko na huwag maliitin ang mga taong nagsusumikap sa ibang paraan.
Sa isang masayang segment ng ‘Tumpakners’, muling binalikan nina Gelli at Janice de Belen ang isang insidente kung saan sila ay nagkaroon ng tampuhan. Natawa na lamang ang dalawa sa alaalang iyon at pinatunayan ang kanilang matibay na pagkakaibigan. Isa itong patunay na kahit matagal na sa industriya, nananatiling totoo at grounded si Janice.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh