Lotlot de Leon, umapela sa publiko na huwag dungisan ang alaala ni Naora Aunor
- Nanawagan ang law firm ni Lotlot de Leon sa publiko na igalang ang kanyang pribadong buhay
- Hindi umano nila palalagpasin ang anumang uri ng online abuse o paninira sa aktres
- Kasunod ito ng muling pag-usbong ng atensyon sa personal na buhay ni Lotlot matapos pumanaw ang kanyang inang si Nora Aunor
- Ayon sa pahayag, lahat ng isyu ay idadaan sa tamang legal na proseso at hindi sasagot sa personal na banat online
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang sunod-sunod na isyung lumutang kasunod ng pagpanaw ni Nora Aunor, nanindigan ang kampo ni Lotlot de Leon na hindi sila papayag sa anumang uri ng paninira sa aktres o sa alaala ng yumaong Superstar. Sa isang opisyal na pahayag mula sa Estur and Associates, hinimok ng mga abogado ni Lotlot ang publiko na igalang ang kanyang privacy at iwasang dungisan ang pangalan niya at ng kanyang ina.

Source: Instagram
Ayon sa law firm, naiintindihan nila ang matinding interes ng publiko sa personal na buhay ng aktres, ngunit malinaw nilang sinabi: “We urge everyone to respect her boundaries and allow her the privacy she deserves.” Dagdag pa nila, anumang isyu o alalahanin na may kaugnayan kay Lotlot ay idadaan sa tamang legal na paraan at hindi nila papatulan ang mga personal na atake o online debates.
Binigyang-diin din sa pahayag ang kanilang determinasyong gamitin ang lahat ng legal na paraan upang protektahan ang aktres. "We will not tolerate online abuse or invasion of our client’s privacy," mariin nilang pahayag.

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naging laman ng balita si Lotlot sa mga nakalipas na linggo matapos bawian ng buhay ang kanyang ina na si Nora Aunor, na pumanaw noong Abril 16, 2025, dahil sa acute respiratory failure sa edad na 71. Mula noon ay nagsimulang dumami ang mata ng publiko sa mga kilos ng kanyang mga anak, kabilang na si Lotlot, lalo na sa social media.
Si Lotlot de Leon ay isang batikang aktres na unang nakilala bilang isa sa mga adopted children ng yumaong Superstar na si Nora Aunor at ng aktor na si Christopher de Leon. Sa kabila ng kanyang pagiging adopted, naging malapit siya sa kanyang mga magulang at nakilala rin bilang isang matatag na ina at artista. Sa loob ng mga dekada sa industriya, pinatunayan ni Lotlot ang kanyang husay sa pag-arte sa pelikula at telebisyon, at naging bahagi ng ilang award-winning projects.
Nagbahagi si Lotlot ng mga makahulugang mensahe sa social media na tila nagpapahiwatig ng hinanakit o pagtatanggol sa sarili. Bagama’t walang tahasang pinangalanan, maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang interpretasyon, lalo na't kasabay ito ng mga isyu sa pamilya matapos pumanaw si Nora Aunor. Ang post ay agad na umani ng atensyon at naging bahagi ng online discussions.
Nagbigay-pahayag ang kapatid ni Lotlot na si Ian de Leon tungkol sa proseso ng pag-aasikaso sa mga ari-arian na naiwan ni Nora Aunor. Ayon sa kanya, ginagawa ang mga nararapat na legal na hakbang upang matiyak ang tamang pamamahala sa estate ng kanilang ina. Siniguro rin ni Ian na maayos ang usapan sa pamilya at walang gulo ukol sa mga bagay na naiwan ng Superstar.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh