Jean Garcia, kinaaliwan sa kanyang reaksyon sa gamogamo habang nagte-taping ng ‘Lolong’
-Habang naghihintay ng kanyang cue sa taping ng Lolong: Pangil ng Maynila, nakaranas si Jean Garcia ng hindi inaasahang encounter sa mga gamogamo na bigla na lamang sumugod sa kanyang pwesto
-Hindi niya napigilan ang takot at inis kaya ginamit niya ang isang throw pillow upang bugawin ang mga gamogamo habang nakatakip ang kanyang mga tenga
-Dahil kasalukuyang umaandar ang taping ng isang seryosong eksena nina Lolong at Elsie, hindi siya makasigaw at kailangang pigilan ang sarili sa pagtili
-Ibinahagi niya ang buong karanasan sa isang nakakatuwang Instagram video na umani ng aliw mula sa kanyang mga followers, at tinanong pa niya kung totoo ngang pumapasok ang gamogamo sa tenga gaya ng sinabi sa kanya ni Erika
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Habang seryoso ang mga eksena sa “Lolong: Pangil ng Maynila,” may mga pagkakataong hindi rin mapigilan ang mga nakakatawang ganap sa set—gaya na lang ng naging karanasan ni Jean Garcia. Sa gitna ng taping ng action-drama series, sinugod ng mga gamogamo ang aktres habang naghihintay ng kanyang cue. Sa isang Instagram video na kanyang ibinahagi, makikitang nagtatakip ng tenga si Jean at pinapaalis ang mga insekto gamit ang isang throw pillow.

Source: Instagram
“Ang GAMOGAMO…bow 😜,” bungad ni Jean sa kanyang caption. “Ayoko sa inyo, lumayooo kayooo sa akin, pleaaasseee!!!” dagdag pa niya habang tila nagpipigil ng tili. Ayon kay Jean, hindi siya makasigaw dahil ongoing ang taping ng isang mabigat na eksena nina Lolong at Elsie. “Ang kukulit ng mga gamogamong 'to, di ko sila masigawan bilang ongoing at mabigat ang eksena ni Lolong at Elsie 🤣✌🏻,” aniya.
Sa kalagitnaan ng nakakatawang struggle, tinakpan ni Jean ang kanyang mga tenga at muling nagbahagi ng kwento. “Haaayy, napagod akooo! Di ako makatiliii, di ba Erika?!!! Takip takip ko pa tenga ko kase nga sabi ni Erika sa tenga daw pumapasok mga gamogamo, totoo po ba yon? 😝🫶🏻✌🏻” Hindi man naging komportable ang sitwasyon, nagsilbing comic relief ito hindi lamang sa kanya kundi sa mga fans at followers niya online. Isa na namang patunay na kahit sa likod ng seryosong production, may mga sandaling nagpapagaan sa atmosphere sa set.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Jean Garcia ay isa sa mga pinakarespetadong aktres sa Philippine showbiz. Kilala siya sa kanyang mga papel bilang kontrabida at matatag na ina sa maraming serye ng GMA. Ilang dekada na siyang aktibo sa industriya at patuloy na nagbibigay-buhay sa mga makapangyarihang karakter, kabilang na sa kasalukuyang proyekto niyang “Lolong: Pangil ng Maynila.” Sa kabila ng bigat ng kanyang mga ginagampanang papel, makikita sa social media na mayroon din siyang nakakatuwang personalidad.
Kamakailan lang ay nagpakita ng suporta si Jean Garcia kay Barbie Forteza kasabay ng mga issue na kinaharap ng huli. Ayon kay Jean, si Barbie ay isang propesyonal at masipag na aktres na karapat-dapat hangaan at igalang. Pinuri rin niya ang katatagan nito sa kabila ng mga hamon sa karera.
Bukod dito, inamin din ni Jean sa isang panayam na labing-isang taon na siyang single “by choice.” Hindi niya aniya minamadali ang pag-ibig at mas pinipili ang pagiging buo at kontento sa sarili. Ayon sa kanya, mas mahalaga na mahanap niya ang tamang tao sa tamang panahon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh