Andi Eigenmann, sinagot ang mga nagsasabing pinabayaan na raw niya ang sarili

Andi Eigenmann, sinagot ang mga nagsasabing pinabayaan na raw niya ang sarili

-Sinagot ni Andi Eigenmann ang puna ng netizens na tila pinabayaan na raw niya ang sarili simula nang lumipat sa Siargao

-Ayon kay Andi, mahalaga pa rin sa kanya ang pag-aalaga ng balat at katawan kahit nasa isla siya

-Umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens ang kanyang pahayag, mula sa papuri hanggang sa puna

-Hindi ito ang unang beses na kinompronta ni Andi ang mga komento tungkol sa kanyang hitsura

Muling naging sentro ng usapan sa social media si Andi Eigenmann matapos niyang tahasang sagutin ang patuloy na puna sa kanya ng ilang netizens na tila raw “pinabayaan” na niya ang kanyang sarili simula nang mamuhay siya sa Siargao kasama ang partner niyang si Philmar Alipayo at kanilang mga anak.

Andi Eigenmann, sinagot ang mga nagsasabing pinabayaan na raw niya ang sarili
Andi Eigenmann, sinagot ang mga nagsasabing pinabayaan na raw niya ang sarili (📷@andieigengirl/IG)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng dating aktres ang kanyang skincare routine habang inilalagay ang isang produkto na aniya ay proteksiyon niya laban sa araw. Sa parehong post, sinagot din niya ang mga tila hindi matapos-tapos na komento tungkol sa kanyang hitsura.

“For the most assumed assumption about me: 'pinabayaan nya talaga ang sarili nya' ('she let herself go when she move to the island'),” ani Andi.

“People often assume that just because I love being under the sun or in the ocean, I don't care about my skin's health. PSA it's not the sun itself that ruins your skin-- it’s neglecting to protect it. This is exactly why I make the effort to care for it even more. Sometimes I would still forget but now that I've been 27 for 7 years now, I am making it a point to always remember!" dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya, kabilang ang ilang followers na tinawag siyang “island queen” at “real beauty.” May ilan din namang nagpuna at nagsabing nag-iba raw talaga ang itsura niya mula nang mamuhay siya sa isla.

“Naniniwala naman ako na may pang skin care si ante. Yung texture kasi ng skin niya, mukang ang dry kaya siguro napapansin,” komento ng isang netizen.

Hindi na ito bago kay Andi. Sa mga nakaraang taon ay ilang beses na rin niyang sinagot ang parehong puna. Ayon sa kanya, mas pinipili niyang maging totoo sa sarili kaysa makipagsabayan sa panlabas na pamantayan ng kagandahan na dikta ng lipunan.

Si Andi Eigenmann ay anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil. Isa siya sa mga itinuturing na mahusay na aktres ng kanyang henerasyon bago niya piliing lisanin ang showbiz upang mamuhay nang simple at tahimik sa Siargao. Sa kabila ng desisyon niyang iwan ang limelight, patuloy pa rin siyang sinusundan ng publiko lalo na sa social media kung saan naibabahagi niya ang kanyang buhay isla kasama ang kanyang pamilya.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Andi ang masaya at simpleng selebrasyon ng Mother’s Day sa Siargao. Kasama niya rito sina Philmar at ang kanilang mga anak. Kitang-kita ang pagmamahalan sa pamilya habang nagba-bonding sa beach. Ipinakita rin niya kung paanong ang simpleng pamumuhay ay nagbibigay sa kanya ng tunay na saya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate