Ray Parks, nag-apologize matapos ang post ukol sa umano’y tangkang pagnanakaw ng phone ni Zeinab
-Naglabas ng post si Ray Parks tungkol sa umano’y muntik na pagnanakaw ng cellphone ni Zeinab Harake sa NAIA
-Nabanggit niya ang CCTV at agad umanong lumitaw ang nawawalang gadget
-Binura niya ang naunang post at naglabas ng public apology para sa abalang dulot nito
-Hiniling ni Parks ang pagkakaroon ng reconciliation at mas maayos na pag-uugali mula sa lahat
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi inaasahan nina Ray Parks at Zeinab Harake na ang isang simpleng biyahe ay magiging viral na balita matapos ang umano’y tangkang pagnanakaw ng cellphone ni Zeinab habang sila ay nasa Mabuhay Lounge ng NAIA Terminal 1.

Source: Instagram
Sa naunang Facebook post ng PBA star, inihayag niya ang pagkadismaya at pag-aalala sa sitwasyon, lalo na nang misteryosong “lumitaw” ang cellphone matapos nilang banggitin ang CCTV. “Can’t believe my Wife’s Cellphone almost got stolen… mentioned CCTV and suddenly the phone popped up,” ani ni Parks.
Nagkomento naman si Zeinab ng simple ngunit makahulugang, “Crazy 😬,” na lalong nagpasiklab sa usapan online. Marami ang napa-react, at agad na umani ng atensyon ang post mula sa netizens. Ilang oras matapos ang post, binura ito ni Parks at naglabas ng mas kalmadong pahayag kung saan humingi siya ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang sinabi. Aniya, “Sheesshh didn’t expect this to be blown out of proportion... I’ll take responsibility and apologize.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon pa kay Ray, dapat ay “internally” nalang nila hinandle ang isyu, at pinuri rin niya ang PAL at Mabuhay Lounge staff sa maayos na imbestigasyon. Tinapos niya ang post sa panawagang pagkakasundo at pagiging mas mabuting tao: “May reconciliation happen and may we all continue to do better and be better.” Hindi na rin nagbigay pa ng karagdagang detalye si Zeinab tungkol sa insidente.
Ang insidenteng ito ay mabilis na naging usap-usapan, lalo pa’t kilala ang magkasintahan sa social media at entertainment circles. Bukod sa kanyang karera sa basketball, aktibo rin si Ray Parks sa mga isyung personal at pampubliko. Si Zeinab naman ay kilala bilang isa sa mga top female vloggers sa Pilipinas, kaya’t anumang isyu na kinasasangkutan nila ay laging umaani ng atensyon online.
Si Bobby Ray Parks Jr. ay isang kilalang professional basketball player na kasalukuyang naglalaro sa Japan B.League. Anak siya ng yumaong PBA legend na si Bobby Parks Sr. at kinikilala bilang isa sa mga matitikas na manlalaro ng kanyang henerasyon. Sa personal na buhay, mas lalong naging kilala si Ray matapos maging open sa relasyon nila ng content creator at vlogger na si Zeinab Harake.
Si Zeinab Harake naman ay isang sikat na YouTube personality at influencer na may milyong tagasubaybay. Kilala siya sa kanyang lifestyle vlogs, openness sa kanyang personal na buhay, at pagiging mapagmahal na ina. Likas sa kanya ang pagiging prangka, dahilan kung bakit madalas siyang laman ng social media feeds ng mga netizen.
Nag-post si Ray Parks ng heartfelt birthday message para kay Bia, anak ni Zeinab Harake, na ikinatuwa ng maraming netizens. Tinawag niyang “blessing” si Bia at pinasalamatan ito sa kasiyahang hatid nito sa kanilang buhay. Umani ito ng papuri mula sa netizens na naantig sa pagiging father figure ni Ray kay Bia.
Hindi nagpahuli si Zeinab sa pagpapakita ng appreciation sa sweet post ni Ray para kay Bia. Sa comment section, nagpasalamat siya sa pagmamahal at pagkalinga ni Ray sa kanyang anak. Kitang-kita ang closeness ng dalawa bilang couple at kung paanong mahal din ni Ray si Bia bilang sariling anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh