Janice Jurado, dismayado sa lumabas na resulta sa kanyang voting receipt

Janice Jurado, dismayado sa lumabas na resulta sa kanyang voting receipt

-Si Janice Jurado ay nagpost tungkol sa pagkakaiba ng kanyang ibinoto at ng lumabas sa ballot receipt

-Hindi raw lumabas ang lahat ng ibinoto niyang senador at kinatawan

-Tinawag niyang overvote ang lumabas sa bahagi ng mga senador

-Dalawang senatorial bets din ang nag-ulat ng parehong isyu matapos bumoto

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng saloobin ang beteranang aktres na si Janice Jurado matapos makaranas ng umano'y aberya sa kanyang ballot receipt sa katatapos na Halalan 2025. Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, Mayo 12, ikinuwento ni Janice ang naging karanasan sa pagboto sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City, kung saan hindi umano lumabas ang lahat ng kanyang mga ibinoto sa resibo.

Janice Jurado, dismayado sa lumabas na resulta sa kanyang voting receipt
Janice Jurado, dismayado sa lumabas na resulta sa kanyang voting receipt (đź“·Janice Jurado/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Janice, "Here at the Commonwealth Elementary, the one I voted for as senators did not appear as stated on the receipt, overvote." Bukod pa rito, sinabi rin niya, “[In] the House of Representatives, there is nothing either, the votes on the receipt are not complete. I voted 12 times, nothing came out, please pay attention to what is happening like this, thank you.”

Dahil sa kanyang post, maraming netizens ang nagpahayag ng pagkabahala at sinabing mahalagang mapanagot kung sakaling may pagkukulang sa automated election process. Hindi rin siya nag-iisa sa ganitong karanasan—maging ang mga senatorial candidate na sina Raul Lambino at Nurse Alyn Andamo ay nag-ulat din ng kahalintulad na insidente ng error sa kanilang ballot receipt matapos bumoto.

Sa kabila ng mga pahayag na ito, iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na wala silang sapat na ebidensya na nagpapakitang may nangyaring sistematikong error. Ayon sa Chairman George Garcia, posibleng nakalimutan lang ng botante ang kanilang ibinoto o may invalid mark sa balota.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Halalan 2025 ay isang midterm election na ginanap noong Mayo 13, 2025, kung saan milyun-milyong Pilipino ang bumoto upang pumili ng mga bagong senador, kongresista, gobernador, alkalde, at iba pang lokal na opisyal. Ang eleksyong ito ay isinagawa sa ilalim ng masusing pagbabantay bunsod ng mga kontrobersiya, disimpormasyon, at seguridad ng halalan.

Ang eleksyon ngayong taon ay itinuturing na barometro ng suporta sa administrasyon, gayundin sa epekto ng mga reporma at kontrobersiya sa pamahalaan. Lalong naging mahalaga ito dahil dito masusukat kung sino ang posibleng lumitaw bilang pangunahing kandidato para sa Halalan 2028. Bukod pa rito, malaking papel ang ginampanan ng midterm polls sa paghubog ng bagong liderato sa Senado at House of Representatives na may kapangyarihang magpasa o humarang sa mga panukalang batas ng Malacañang.

Isang malungkot na insidente ang naganap matapos mawalan ng malay at tuluyang bawian ng buhay ang isang botante sa isang presinto. Ayon sa mga ulat, agad itong isinugod sa ospital ngunit hindi na naisalba. Ang pangyayari ay nagdulot ng panawagan para sa mas maayos na medical response sa mga voting centers.

Sumuko na ang pangunahing suspek sa pamamaril ng mga tagasuporta ng kasalukuyang alkalde sa Silay City. Ang insidente ay isa sa mga karahasang bumalot sa kampanya at eleksyon ngayong taon. Inaasahan na ang pagsuko ng suspek ay magdadala ng linaw at hustisya sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate