Yen Santos, balik-showbiz matapos ang apat na taong pahinga
-Ibinahagi ni Yen Santos sa Instagram ang kaniyang pagbabalik sa shooting set
-Wala pang kumpirmasyon kung ito ay para sa pelikula, serye o commercial
-Huling napanood si Yen sa pelikulang "A Faraway Land" noong 2021
-Matagal siyang nawala sa showbiz kasabay ng mga kontrobersiyal na isyu sa kaniyang love life
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Masaya ang mga fans ng aktres na si Yen Santos matapos niyang ibahagi sa social media ang pagbalik niya sa harap ng kamera. Sa isang Instagram post nitong Sabado, Mayo 10, proud na ibinahagi ng aktres ang larawan ng kaniyang unang araw sa bagong proyekto. Caption niya, “Day 1. The joy of being back.” Wala pang tiyak na detalye kung ito ay isang pelikula, teleserye, o isang commercial ngunit malinaw na muli nang bumabalik si Yen sa mundo ng showbiz.

Source: Instagram
Sa mahigit apat na taon, naging low-profile si Yen at halos hindi na rin nasilayan sa mga showbiz events. Huling napanood ang aktres sa 2021 movie na “A Faraway Land” kasama ang Kapuso actor at dati niyang nobyo na si Paolo Contis. Mula noon, tila pinili ni Yen ang manahimik at umiwas sa spotlight habang pinagdadaanan ang personal niyang buhay.
Narito ang ilang komento ng netizens:
"Sobrang miss ka na namin sa TV! Finally, you're back, Yen!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Walang kupas ang ganda mo. Deserve mong makabalik at magshine ulit!"
"Excited na kaming makita ka ulit umarte. Isa ka sa mga underrated actresses!"
"Kahit anong nangyari sa past mo, ang importante ay bumabangon ka. Go girl!"
"Hmm, curious ako kung anong klaseng role ang gagawin niya this time."
"Ok naman siya umarte, sana lang mas seryosohin na niya ang career niya ngayon.
Matatandaan na naging mainit na usapin ang relasyon nila ni Paolo Contis matapos silang akusahang third party sa hiwalayan nina Paolo at LJ Reyes. Ayon kay Paolo, wala na umano silang relasyon ni LJ noong nagsimula silang magkita ni Yen. Sa kabila ng kontrobersya, naging opisyal ang relasyon nina Paolo at Yen noong Enero 2023. Gayunman, noong 2024 ay umugong ang balitang naghiwalay na ang dalawa matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.
Bagaman hindi direktang kinumpirma ni Yen o Paolo ang kanilang hiwalayan, kinumpirma ni Paolo sa isang panayam na siya ay “single” na sa Nobyembre 2024.
Si Yen ay unang nakilala sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 at tuluyang umangat sa karera sa pagganap sa mga seryeng “Halik,” “Wildflower,” at “Pure Love.” Bukod sa ganda at husay sa pag-arte, nakilala rin siya sa pagiging reserved ngunit may presence sa bawat papel na ginagampanan.
Kamakailan ay muling nakita si Yen sa publiko matapos mapansin ng mga netizens ang kaniyang mga larawan mula sa isang party kung saan kasama niya ang ilang kilalang personalidad. Marami ang nagsabing tila mas lumusog ito kumpara sa dati, ngunit mas marami ang natuwa dahil muli itong sumasama sa social gatherings.
Sa kabilang banda, si Paolo Contis ay muling naging usap-usapan matapos siyang tanungin kung naniniwala ba siyang maaaring maging magkaibigan ang dating magkasintahan. Sagot niya ay hindi raw niya nakikita ang sarili na magiging kaibigan pa ang kaniyang mga ex, bagay na lalong nagpapatibay ng balitang tuluyan na silang naghiwalay ni Yen.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh