BINI, naglabas ng pahayag sa gitna ng kontrobersya kaugnay ng viral video
-Trending ngayon sa social media ang viral video nina Ethan David at Shawn Castro kasama ang ilang miyembro ng BINI
-Naglabas na ng public statement ang BINI members na sina Jhoanna, Stacey, at Coletukoy sa menor de edad
-Naglabas na ng public statement ang BINI members na sina Jhoanna, Stacey, at Colet
-Hati ang opinyon ng netizens kung dapat bang batikusin o unawain ang grupo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Usap-usapan ngayon sa social media ang viral video kung saan makikitang nagkukulitan sina Ethan David at Shawn Castro ng all-male group na GAT, kasama ang ilang miyembro ng sikat na girl group na BINI.

Source: Instagram
Sa loob ng walong segundo, maririnig ang tila pabirong mga komento mula sa ilang babaeng boses, na sinasabing sina BINI Jhoanna, Stacey, at Colet umano ang nagsalita. Tila may konteksto ito ukol sa isang 13-taong gulang na babae na tinukoy sa video, na lalong nagpaalab sa galit ng netizens.
Ayon sa mga netizen, tila ginawang biro ang sensitibong usapin ng s3xual gro0ming sa nasabing clip. May nagsabi ng, "Ganiyan ginagawa niya kay Ashley," habang ang isa nama’y sumegunda ng, "Oo, sinasabunutan," at may nadagdag pa ng, "13 years old." Bagama't tanging isang miyembro ng BINI lang ang makikitang nakaupo sa video, iniuugnay pa rin ng publiko ang boses sa tatlong BINI members.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naglabas ng public statement ang grupo na nagsabing:
"We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability. Nagkamali kami... We deeply regret our mistake and sincerely apologize to our Blooms, friends, families, and the general public."
Dagdag pa nila, nauunawaan nila ang galit at pagkadismaya ng publiko, at humihingi sila ng pagkakataong matuto at magbago.
Habang binabatikos ng marami ang grupo sa social media, may mga fans at ilang netizens din ang nagtanggol sa kanila. Ayon sa mga ito, tila "spliced" o hindi buo ang video, kaya hindi raw patas na agad silang husgahan. Dagdag pa nila, sina Ethan at Shawn dapat ang mas managot dahil sila ang gumagawa ng aktwal na kilos sa video, at tila nagbigay lamang ng reaksyon ang mga babae.
Ang BINI ay isang all-female Filipino pop group na kilala sa kanilang advocacy ng women empowerment, youth positivity, at pagiging role models sa Gen Z audience. Binubuo sila ng walong miyembro at kasalukuyang bahagi ng P-pop rise sa bansa. Sa kabila ng kontrobersyang ito, nananatili silang isa sa mga prominenteng girl groups ngayon.
Nagbahagi si BINI Sheena ng kanyang personal na karanasan matapos ipalabas ang kanyang MMK episode. Aniya, malaki ang naging epekto nito sa kanyang emosyon at pagpapalalim ng pagkatao, lalo na sa kanyang pagganap bilang isang batang may pangarap sa kabila ng hirap. Nagpasalamat din siya sa mga sumuporta sa kanyang portrayal at sa buong BINI community.
Nagbigay inspirasyon ang dalawang miyembro ng BINI, sina Jhoanna at Gwen, sa mga fans matapos nilang matagumpay na makapagtapos ng senior high school. Ipinakita nila na kahit abala sa kanilang career bilang idols, hindi nila kinalimutan ang kahalagahan ng edukasyon. Marami ang pumuri sa kanilang determinasyon at disiplina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh