Dimples Romana, emosyonal sa matinding hamon ng MMK episode tungkol sa Maguad siblings

Dimples Romana, emosyonal sa matinding hamon ng MMK episode tungkol sa Maguad siblings

-Ibinahagi ni Dimples Romana kung gaano kahirap at kasakit ang pagganap sa kwento ng Maguad siblings

-Gaganap si Dimples bilang ina ng mga biktima sa dalawang-parteng Mother’s Day special ng MMK

-Tinawag niyang "pinakamahirap at pinakamasakit" na kwento ang kanyang ginampanan

-Inalay ni Dimples ang episode para sa mga magulang na nawalan ng anak sa mararahas na paraan

Isang emosyonal na pagbabahagi ang inilabas ni Kapamilya actress Dimples Romana sa kanyang Instagram kaugnay ng nalalapit na pag-ere ng Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na tumatalakay sa masakit na kwento ng Maguad siblings. Ayon kay Dimples, ito raw ang “pinakamahirap at pinakamasakit” na kwento na kanyang ginampanan sa kanyang buong karera bilang isang artista.

Dimples Romana, emosyonal sa matinding hamon ng MMK episode tungkol sa Maguad siblings
Dimples Romana, emosyonal sa matinding hamon ng MMK episode tungkol sa Maguad siblings (📷@dimplesromana/Instagram)
Source: Instagram

Gaganap si Dimples bilang ina nina Gwynn at BoyBoy, ang magkapatid na malagim na nasawi sa isang insidente ng karahasan na gumulantang sa publiko. Makakasama niya sa episode si Joem Bascon bilang ama ng mga bata, habang sina Karina Bautista, Criza Taa, at Miguel Vergara naman ang kumumpleto sa cast ng espesyal na yugto.

Sa isang bahagi ng kanyang post, inalala niya ang mga pagkakataong nagtatanong ang anak niyang si Alonzo kung ano ang kanyang trabaho. Aniya, “Whenever Alonzo would ask me what I do for a living — I say, I’m a storyteller, anak. I tell stories for a living. All kinds of stories. This story in particular is by far the most difficult and most painful story I have ever had the privilege of telling.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilang isang ina, hindi naiwasan ni Dimples na madama nang lubos ang sakit ng karakter na kanyang ginampanan. “Kapag naging magulang ka, ipinagdadasal mo na humaba pa ang buhay mo para makasama mo ng matagal ang mga anak mo. Pero paano nga ba kung mauna sila sa'yo? The unimaginable pain of losing a child,” aniya pa.

Dagdag pa ni Dimples, malaki ang naging epekto ng kwento ng Maguad family sa kanya, at ibinuhos niya ang lahat ng emosyon upang magampanan ito nang may hustisya. “The Maguad family story has left a mark in my heart that will never go away. To pull this off, I heavily relied on our entire team’s strength, support and guidance… I pray I, together with my fellow cast members were able to give justice to this incredible story of betrayal, kindness, compassion, and humanity.”

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nagbigay pugay si Dimples sa mga magulang na nawalan ng anak sa marahas na paraan. “My heart goes out to the Maguad Family and all the parents today of children who have been mindlessly and or brutally killed just like Gwynn and BoyBoy 🤍 May everyone find peace.”

Mapapanood ang espesyal na dalawang bahagi ng MMK sa darating na Sabado at sa susunod na linggo mula 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Mas maaga rin itong mapapanood sa iWantTFC simula Mayo 8.

Si Dimples Romana ay isa sa mga pinakatanyag na aktres sa Pilipinas na kilala sa kanyang husay sa drama. Bukod sa kanyang trabaho sa telebisyon, isa rin siyang hands-on mom sa kanyang tatlong anak. Nagsimula siya bilang teen star noong dekada ‘90 at patuloy na hinahangaan dahil sa kanyang versatility at pagiging grounded bilang celebrity.

Ibinahagi ni Dimples sa Instagram ang proud moment nang unang magpalipad ng eroplano ang anak niyang si Callie bilang isang ganap na piloto. Makikita sa post ang suporta at excitement ni Dimples para sa anak, na ngayon ay sumusunod sa kanyang sariling landas sa aviation industry.

Isa si Dimples sa mga malalapit na kaibigan ni Angel Locsin na bumati sa kanyang ika-40 kaarawan. Sa kanyang pagbati, emosyonal niyang ibinahagi kung gaano siya nagpapasalamat sa pagkakaibigan nila ni Angel, na itinuturing niyang parang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate