Kim Chiu, naghatid ng saya sa mga bata sa kanyang charity outreach

Kim Chiu, naghatid ng saya sa mga bata sa kanyang charity outreach

-Nagdaos si Kim Chiu ng charity event sa National Children's Hospital at Village of Hope

-Nagbahagi siya ng pagkain, school supplies, at hygiene kits sa mga bata

-Kasama niya sa outreach ang kapatid na si Kam Chiu at kaibigang si Edson Guinto

-Nagpasalamat si Kim sa Buena Pamilya at mga brand sponsors na tumulong sa aktibidad

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi lang sa telebisyon at pelikula nagpapasaya si Kim Chiu, kundi pati na rin sa totoong buhay. Kamakailan, pinatunayan ng Kapamilya actress-TV host ang kanyang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng isang makabuluhang charity outreach.

Kim Chiu, naghatid ng saya sa mga bata sa kanyang charity outreach
Kim Chiu, naghatid ng saya sa mga bata sa kanyang charity outreach (📷@chinitaprincess/Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kim ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanyang proyekto:

“4.29 well spent. Endless gratitude to Buena Pamilya led by Ate @haidzfernandez@khosaako for the generous helping hands and for helping me and @kamchiu with the preparations,” ani Kim.

“Thank you to the National Children’s Hospital and Village of Hope for warmly accommodating us. There’s truly nothing like witnessing the pure, genuine smiles of these beautiful souls.”

Read also

Mayeth Malca, pinatattoo ang sulat-kamay ni Ricky Davao bilang alaala sa yumaong nobyo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa ulat ng Pinoy Publiko, unang pinuntahan ni Kim ang National Children’s Hospital sa Quezon City kung saan namigay siya ng pagkain, hygiene products, at iba pang essential items sa mga batang pasyente at health workers.

Sunod naman siyang nagtungo sa Village of Hope sa Morong, Rizal, isang shelter para sa mga batang inabandona, kung saan nagbahagi rin siya ng tulong at nakipaglaro sa mga bata. Kasama niya sa outreach ang kapatid na si Kam Chiu at kaibigang si Edson Guinto.

Narito ang ilang komento ng netizens:

"Grabe ka, Kim! Ganda mo na, napakabuti mo pa sa kapwa. Idol talaga!"
"Nakakataba ng puso ang ginagawa mong pagtulong, sana mas marami pang artista ang tularan ka."
"Saludo ako sayo, Kim! Hindi mo nakakalimutan ang tumulong kahit busy ka sa career mo."

Si Kim Chiu ay isang multi-talented na artista, TV host, singer, at model na unang sumikat matapos manalo sa unang season ng "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006. Simula noon, naging isa siya sa mga pangunahing bituin ng ABS-CBN, na gumanap sa mga hit teleserye tulad ng "Sana Maulit Muli," "My Girl," "Ina, Kapatid, Anak," at "Love Thy Woman." Bukod sa kanyang acting career, isa rin siyang regular host sa "It's Showtime."

Read also

Winwyn Marquez matapos tanghaling 1st runner-up sa MUPH 2025: "Winner na talaga ako"

Noong Abril 30, 2025, ibinahagi ni Lakam Chiu, kapatid ni Kim, ang isang taos-pusong mensahe para sa kaarawan ng aktres. Sa kanyang post, ipinahayag ni Lakam ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa pagkakaroon ng isang kapatid na tulad ni Kim. Aniya, “Loving you unconditionally is something right I have done in my lifetime. Having you as my sister is one of the greatest blessings I have ever received.”

Sa isang nakakatuwang post, binati ni Angelica Panganiban si Kim Chiu sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang throwback video na may background music na "Peng You," isang kantang inawit ni Kim noong 2007. Nag-react si Kim sa post na ito at sinabing, “Bakit ganun?! Nakakaiyak na eh! Bwahahahaha.” Ang post na ito ay nagpakita ng malalim na pagkakaibigan sa pagitan nina Kim at Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: