Winwyn Marquez matapos tanghaling 1st runner-up sa MUPH 2025: "Winner na talaga ako"
-Winwyn Marquez itinuring na birthday at Mother’s Day gift ang kanyang pagkapanalo bilang 1st runner-up
-Aminado siyang nasakripisyo niya ang oras para sa pamilya sa paghahanda sa kompetisyon
-Masaya siyang may mga bagong kaibigang nahanap sa mga kapwa kandidata na tinatawag siyang “Ate”
-Buong puso niyang tinanggap ang pagkapanalo ni Ahtisa Manalo at binigyang papuri ang bagong reyna
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi man naiuwi ang korona, winner pa rin ang pakiramdam ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez matapos hiranging first runner-up sa Miss Universe Philippines 2025.

Source: Instagram
Para sa 33-anyos na aktres at beauty queen, sapat na raw ang kanyang pagganap sa prestihiyosong pageant bilang isang ina at inspirasyon sa iba.
Sa panayam pagkatapos ng coronation night na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Mayo 2, sinabi ni Winwyn na ang resulta ay tila maagang handog para sa kanyang kaarawan sa Mayo 4 at advance gift na rin ngayong nalalapit na Mother's Day. “I’ve done my job. I lived the dream already. And sana na-inspire ko iyong maraming tao na gawin nila iyong gusto nilang gawin without any regrets,” aniya.

Read also
Jean Garcia, 11 years nang single by choice: “Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung para sa akin…”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin lingid sa marami na pinasok ni Winwyn ang kompetisyon bilang isa sa mga frontrunner, lalo’t hindi matatawaran ang kanyang naging tagumpay bilang kauna-unahang Asian na nanalo sa Reina Hispanoamericana noong 2017 sa Bolivia.
Kaya naman ang muling pagsabak niya sa national pageant scene, walo taon makalipas ang kanyang international win, ay nagbigay muli ng sigla sa pageant fans.
Masaya rin siyang ibinahagi na buong suporta ang kanyang pamilya sa laban, lalo na ang kanyang 3-taong gulang na anak na si Luna. “I spent so much time here. I sacrificed my time with my family.
And I think this time [I have to] give back [to them],” dagdag pa ni Winwyn. Hindi naman matatawaran ang saya sa kanyang mukha nang makitang naroroon ang kanyang anak habang ginaganap ang post-coronation interview.
Bukod sa personal na tagumpay, masaya rin siya para sa pagkapanalo ni Ahtisa Manalo, na itinanghal na bagong Miss Universe Philippines 2025. “I’m so happy for Ahtisa, deserving, very, very deserving,” ani Winwyn, habang kitang-kita ang sinserong suporta sa video clips na kumalat matapos ang event.
Ayon pa kay Winwyn, hindi lang koronang literal ang naging premyo niya kundi ang pagkakaroon ng connection sa iba pang kandidata. “I’m just super happy na na-meet ko lahat ng girls, kasi tawag nila sa akin ‘Ate.’ Lahat nagkaroon ako ng relationship with. So winner na talaga ako,” kwento pa niya.
Si Winwyn Marquez ay anak ng aktres na si Alma Moreno at dating senador Joey Marquez. Bukod sa kanyang pag-aartista, kilala rin siya bilang beauty queen at titleholder ng Reina Hispanoamericana 2017. Matapos ang kanyang panalo sa international stage, naging aktibo siya sa mga charity at advocacies, habang patuloy na lumalago ang kanyang career at personal life bilang ina ni Luna.
Nagbigay ng kanyang reaksyon si Winwyn Marquez sa tagumpay ni Dia Mate bilang bagong Reina Hispanoamericana 2025. Sa kanyang mensahe, hindi lang niya pinapurihan ang panalo ni Dia kundi pinasalamatan din ang oportunidad na makita ang Pilipinas na muling kilalanin sa naturang international stage. Ayon kay Winwyn, proud na proud siya sa tagumpay ng kapwa Pinay.
Nagbahagi ng heartfelt birthday message si Winwyn para sa anak niyang si Luna, ilang araw bago ang espesyal na araw nito. Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang si Luna ang “biggest blessing” sa buhay niya at wala raw siyang ibang hiling kundi ang masayang kinabukasan ng anak. Maraming netizens ang naantig sa sweet tribute ng beauty queen mom.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh