Catriona Gray, kinagiliwan sa pag-aanunsyo ng mga numero sa BINGO!: "Buntis na may apat na anak"

Catriona Gray, kinagiliwan sa pag-aanunsyo ng mga numero sa BINGO!: "Buntis na may apat na anak"

- Kinagiliwan ng marmai si Catriona Gray nang maglaro ito ng Bingo

- Siya kasi ang nag-aanunsyo ng mga numero nang maglaro sila ng ilang kasama niya sa Cornerstone

- Nagkaroon din ng pagkakataong siya pa mismo ang nanalo sa Bingo

- Si Catriona Gray ay isa sa mga itinanghal na Miss Universe mula sa ating bansa

Naaliw ang marami kay Catriona Gray nang makita nila ang beauty queen na nagbi-bingo.

Catriona Gray
Catriona Gray, kinagiliwan sa pag-aanunsyo ng mga numero sa BINGO!: "Kalbo na may apat na anak" (@cornerstoneofficial)
Source: TikTok

Mas lalo pa siyang kinagiliwan dahil siya mismo ang nag-aanunsyo ng mga lumalabas na numero.

Ibinahagi ng Cornerstone sa kanilang TikTok account ang makulit na kasiyahan nila kasama si Catriona kung saan nang i-anunsyo niya ang mga katagang "Sa letrang O, buntis na may apat na anak" ang kanyang nasabi.

Makikita ring nanalo si Catriona na labis nitong ikinatuwa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens:

"Ang cute! game na game ang ating Miss Universe"
"Napaisip tuloy ako kung anong number yung sinabi niya, ang cute niyo po"

Read also

Yanna, humingi ng tawad sa publiko: “Na-feel ko na po yung mundong maraming galit”

"Pati pagsigaw niya ng Bingo, pang-Miss Universe talaga"
"Ang saya siguro kalaro nito ni Miss Catriona. Ano pa kaya ang alam niyang BIngo terms"
"Winner ka talaga Catriona! Pati sa Bingo nananalo ka"

Narito ang kabuuan ng masayang video mula sa Cornerstone Official:

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian model at beauty queen na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man niya nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018. Matapos nito, tuloy pa rin ang kanyang mga adbokasiya sa pagtulong sa kapwa. Sumabak din siya sa hosting maging sa mga sumunod na Miss Universe pageants matapos siyang manalo.

Lalong umingay ang pangalan ni Catriona noong Nobyembre ng taong 2023, dalawang taon na ang nakalilipas, nang magbahagi si Sam Milby ang ilang detalye ukol sa kasal sana nila noon ni Catriona. Masasabing marami ang na-excite sa detalye kung saan nasabi niyang, intimatë wedding daw ito at kitang-kita ang saya sa kanya habang sinasabing nais nilang ma-enjoy muna talaga ang buhay may asawa bago pasukin naman ang buhay ng pagiging isang magulang.

Read also

Gene Padilla, ibinida ang kanyang 'Mr. Uninvited' tattoo

Sa kabila ng mga kuro-kuro na tila hiwalay na sina Catriona at Sam, ilang larawan pa rin ang lumabas sa social media ang lumabas, patunay na sila pa rin ay nagkakasama. Isa na rito ang sweet photo nila nito lamang Pebrero 9 noong nakaraang taon 2024 kung saan marami ang kinilig sa 'back hug' ng aktor sa kanyang fiancée.

Gayunpaman, naging usap-usapan si Catriona sa concert ni TJ Monterde kung saan hindi man sila magkasama ay pareaho silang dumalo. Hindi napigilang maiyak ni Catriona sa awiting "Hanggang Dito nalang." Sinasabing nadama umano ni Catriona ang mensahe ng kanta na tila sumasalamin sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Sam. Si Sam na naroon din,ay ilang upuan lamang ang layo mula kay Catriona.

Sinundan pa ito ng paglilinaw ni Sam na wala umanong naging third party sa naging relasyon nila noon ni Catriona. Nagbigay babala rin siya sa mga nagpapakalat ng ganitong klaseng impormasyon na wala umanong katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica