Rita Daniela sa 'not guilty plea ni Archie Alemania: "I know my truth"
-Umapela ng “not guilty” si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng kanyang co-star na si Rita Daniela
-Ipinahayag ni Rita ang kanyang pagkadismaya sa plea ni Archie at sinabing lalabas pa rin ang katotohanan kahit gaano ito katagal
-Pinayagan ng korte ang panig ni Alemania na maglabas ng gag order upang mapanatiling pribado ang mga detalye ng kaso
-Nag-ugat ang reklamo sa umano’y insidente noong Setyembre 2024 sa isang house party na inorganisa ni Bea Alonzo para sa cast ng Widows' War
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang bagong yugto sa kinahaharap na kontrobersya nina Archie Alemania at Rita Daniela ang gumulantang sa publiko matapos umapela ng not guilty ang aktor sa kasong acts of lasciviousness.

Source: Instagram
Ang kaso ay inihain ni Rita laban sa kanya noong Oktubre 2024, kung saan detalyado niyang inilahad ang umano'y hindi kanais-nais na pagtrato ni Archie habang lasing sa isang house party na ginanap noong Setyembre sa bahay ni Bea Alonzo. Ang party ay para sa cast ng kanilang proyekto, ang Widows’ War.
Ayon sa affidavit ni Rita, ilang beses siyang pinilit halikan ni Archie, hinipuan, at binigyan ng mga hindi angkop na komento. Pinipigilan din umano siyang umalis hangga’t hindi siya pumapayag sa gusto ng aktor.
Sa isang panayam ng 24 Oras noong Abril 29, sinabi ni Rita, “I feel bad. I know my truth and I know God is with me. Kahit ano’ng mangyari, kahit gaano pa katagal, lalabas at lalabas ‘yong totoo.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sa panig ni Alemania, nakakuha ito ng pahintulot mula sa korte para sa isang gag order na magbabawal sa pagbubunyag ng mga detalye ng kaso sa publiko.
Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang kampo ni Archie tungkol sa kanyang not guilty plea. Gayunpaman, una nang inilabas ang warrant of arrest laban sa kanya noong unang bahagi ng Abril matapos makita ng Bacoor City Municipal Trial Court ang “probable cause” upang ituloy ang kaso.
Kabilang sa mga ebidensya ni Rita ang umano’y palitan nila ng mensahe ni Archie kung saan humingi ito ng tawad sa kanyang pagkalasing—na ayon sa aktres, ay tila pagkilala sa nagawa nitong masama.
Si Archie Alemania ay isang beteranong komedyante at aktor na nakilala sa mga palabas gaya ng Bubble Gang, Tadhana, at ilang seryosong teleserye ng GMA Network. Kilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa ngunit nakapaghatid na rin ng mga emosyonal na pagganap sa drama. Sa kabila ng tagumpay sa karera, ito ang isa sa mga pinakamalalaking kontrobersya na kinakaharap niya sa ngayon.
Korte, nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Archie Alemania sa kasong isinampa ni Rita Daniela. Noong Abril, iniutos ng Bacoor Municipal Trial Court ang paglabas ng warrant of arrest laban kay Archie Alemania. Ito ay kasunod ng pagsusuri sa mga ebidensyang inihain ng kampo ni Rita Daniela, kung saan nakitang may sapat na batayan upang ituloy ang kaso.

Read also
Sparkle Management, naglabas ng statement sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ni Kyline
Rita Daniela, pinanumpaan ang reply sa counter-affidavit ni Archie Alemania. Mas lumalim pa ang legal na banggaan nina Rita at Archie nang pormal na pinanumpaan ni Rita ang kanyang sagot sa counter-affidavit ng aktor. Isa itong patunay ng kanyang determinasyon na ituloy ang kaso at ilaban ang kanyang panig sa korte.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh