Claudine Barretto, posibleng gumanap bilang "Inday Sara" sa bagong pelikula ni Darryl Yap

Claudine Barretto, posibleng gumanap bilang "Inday Sara" sa bagong pelikula ni Darryl Yap

- Nag-viral ang screenshot ng palitan ng mensahe nina Direk Darryl Yap at Claudine Barretto tungkol sa isang posibleng proyekto kung saan gaganap siya bilang “Inday Sara”

- Tuwang-tuwa si Claudine at sinabing “OMG!!!! I'm crying thank you Direk” bilang sagot sa alok

- Maraming supporters ni Vice President Sara Duterte ang sabik na sa ideya ng pelikulang ito

- Naging usap-usapan ito matapos ibahagi sa Facebook page na VinCentiments ang screenshot ng kanilang usapan

Umani ng atensyon mula sa netizens at mga tagahanga ni Claudine Barretto ang screenshot ng isang usapan nila ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap, kung saan tinanong siya kung handa na ba siyang gumanap bilang si "Inday Sara."

Claudine Barretto, posibleng gumanap bilang "Inday Sara" sa bagong pelikula ni Darryl Yap
Claudine Barretto, posibleng gumanap bilang "Inday Sara" sa bagong pelikula ni Darryl Yap (📷Claudine Barretto/Facebook)
Source: Facebook

Sa mensahe ng direktor, mababasang tuwirang tanong nito kay Claudine ang, “clau!!! ready ka bang maging si INDAY SARA?!” Sa makikita ring reply ng aktres, hindi nito maitago ang emosyon at tumugon ng, “OMG!!!! I'm crying thank you Direk.”

Read also

Bela Padilla, nagbahagi ng sweet na mensahe sa boyfriend na si Norma

Ang palitan ng mensahe ay ibinahagi mismo ni Darryl Yap sa kanyang Facebook account at sa page ng VinCentiments, na agad namang pinusuan at inulan ng komento mula sa kanilang mga followers.

Tila kumpirmado na ang proyektong ito dahil sinagot pa ni Claudine ang direktor ng, “Luv u Direk can't wait to work with you,” na sinundan ng masayang mensahe ni Darryl na, “love and miss u!” Marami sa mga netizens, lalo na ang mga supporters ni Vice President Sara Duterte, ang agad na na-excite sa ideya ng isang pelikula na tatalakay sa kanyang buhay at posibleng gampanan ng isang batikang aktres.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagamat wala pang opisyal na detalye tungkol sa pelikula, hindi maikakailang ang kombinasyon nina Claudine Barretto at Darryl Yap ay tiyak na aabangan ng maraming Pilipino. Kilala si Direk Darryl sa paggawa ng mga kontrobersyal at matapang na pelikula gaya ng "Maid in Malacañang" at "Martyr or Murderer." Kung matutuloy man ang proyekto, ito na marahil ang pagbabalik ni Claudine sa mainstream na pelikula sa isang napaka-challenging at makabuluhang papel.

Read also

Eksena nina Camille Prats at Katrina Halili, usap-usapan dahil sa kanilang espadahan

Si Claudine Barretto ay tinaguriang “Optimum Star” ng Philippine showbiz, na sumikat noong dekada ’90 at 2000s sa mga pelikula’t teleseryeng tumatak sa masa tulad ng Got 2 Believe, Milan, at Mula Sa Puso. Isa siya sa mga kinikilalang aktres ng kanyang henerasyon at kilala sa kanyang husay sa drama at emosyonal na mga eksena. Sa kabila ng ilang taong pananahimik, unti-unti siyang bumabalik sa spotlight — sa mga proyekto man o sa pagiging aktibong ina sa social media.

Ibinahagi ni Claudine Barretto ang isang emosyonal na tagpo nang bumisita ang kanyang anak na si Noah sa ospital. Ayon sa aktres, dumalaw ito at niyakap siya ng mahigpit, bagay na nagbigay sa kanya ng lakas sa kabila ng kanyang nararamdaman. Nag-viral ang naturang video at marami ang humanga sa pagiging malapit ng mag-ina.

Naglabas ng emosyonal na mensahe si Claudine para sa kanyang anak na si Dominique, kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at pangungulila. Ayon sa aktres, nananatili siyang proud at nagpapasalamat sa anak kahit malayo ito sa kanya. Maraming netizens ang na-touch sa kanyang pagiging bukas sa kanyang damdamin bilang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate