Jennica Garcia, humingi ng tulong para sa soundproofing: "Help this auntie"
-Humiling ng tulong si Jennica Garcia sa publiko upang ma-soundproof ang kanyang kuwarto sa harap ng matinding ingay mula sa Edsa
-Ayon sa kanya, hindi na siya makatulog nang maayos dahil sa sunod-sunod na busina, ambulansya, at mga mabilis na sasakyan sa madaling-araw
-Tatlong buwan na raw siyang naninirahan sa bagong bahay ngunit hindi pa rin siya nasasanay sa ingay
-Ibinahagi rin niyang hindi epektibo ang ear plugs at naapektuhan na ang kanyang pagtulog at well-being
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ni Jennica Garcia ang kanyang desperasyon sa social media dahil sa hindi na niya matiis na ingay mula sa kalsada. Sa isang viral post, hiniling niya sa publiko na matulungan siyang makahanap ng maaaring i-hire para i-soundproof ang kanyang silid-tulugan.

Source: Instagram
Aniya, ang problema ay mula sa ingay na nanggagaling sa kanyang bintana, kung saan direktang naririnig ang busina ng mga sasakyan, tunog ng ambulansya, at mga mabilis na kotse kahit dis-oras ng gabi.
"Can you lead me to someone I could hire to soundproof my bedroom? The sound is coming from my window. I live along Edsa and road sound such as cars honking, ambulance, fast cars at 3 in the morning wakes me up in the middle of my sleep."
Aminado si Jennica na hindi naging madali para sa kanya ang manirahan sa bagong lugar kahit pa tatlong buwan na siyang naka-settle. Ayon sa kanya, hindi rin apektado ang mga kuwarto ng kanyang mga anak, kaya tiniis niya ito sa pag-asang masasanay rin siya. Ngunit, tila hindi sapat ang kanyang pasensiya — at lalo nang hindi rin nakakatulong ang paggamit niya ng ear plugs.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"I thought I could get used to it especially since my children’s bedroom are not affected anyway, but I’ve moved for almost 3 months now. Ear plugs are not helping either."
Umani ng simpatya mula sa mga netizen ang kanyang post, at marami ang nagbigay ng suggestions at referrals para sa soundproofing. Ang iba naman ay nagbahagi rin ng kanilang mga personal na solusyon para sa ganitong uri ng problema. Mula sa simpleng curtains hanggang sa full window replacement, tila lahat ay gustong makatulong kay Jennica, na tinawag ang sarili niyang “auntie” sa post.
Si Jennica Garcia ay isang aktres, anak ng beteranang aktres na si Jean Garcia, at isa ring hands-on na ina. Kilala siya sa kanyang pagiging praktikal, totoo, at palaging bukas sa kanyang personal na pinagdaraanan — mula sa motherhood hanggang sa kanyang spiritual journey. Sa social media, madalas siyang humingi ng payo o magbahagi ng mga karanasan na relatable sa maraming Pilipino.
Naging usap-usapan kamakailan si Jennica matapos niyang ikuwento ang kanyang “saklap” na karanasan sa pag-commute mula Commonwealth papuntang Cainta. Ipinost niya sa social media na naligaw siya at nahirapang bumiyahe, dahilan upang humingi siya ng tips at tulong mula sa publiko. Marami ang naka-relate at nagbigay ng directions at support sa kanya online.
Sa isang emosyonal na pahayag, inamin ni Jennica na dumaan siya sa panahon ng pagdududa sa Diyos dahil sa bigat ng kanyang mga pinagdaanan. Ayon sa kanya, nawalan siya ng gana sa pananampalataya at naging rebelde sa kanyang panalangin. Ngunit sa kalaunan, natutunan niyang bumalik sa Diyos at yakapin muli ang kanyang pananampalataya sa kabila ng lahat.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh