Sofia Andres at Daniel Miranda, magkasama sa bagong IG story

Sofia Andres at Daniel Miranda, magkasama sa bagong IG story

-Magkasamang nag-post si Sofia Andres at Daniel Miranda ng larawan sa kanilang IG stories na tila kinunan sa isang tropical getaway

-Suot ang matching na Maui Jim caps at sunglasses, tila sinagot nila ang usap-usapang hiwalayan

-Ipinakita sa larawan ang closeness nila, na tila nagpapatunay na maayos ang kanilang relasyono ng bagong update

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinakita sa larawan ang closeness nila, na tila nagpapatunay na maayos ang kanilang relasyon

Mainit na pinag-uusapan online ang recent Instagram story post ni Sofia Andres kung saan makikitang muli silang magkasama ng longtime partner na si Daniel Miranda. Sa gitna ng lumutang na isyu ng umano’y hiwalayan—na pinalakas pa ng "unfollowing" incident sa social media—tila isang tahimik ngunit malakas na pahayag ang sunod-sunod nilang post.

Sofia Andres at Daniel Miranda, magkasama sa bagong IG story
Sofia Andres at Daniel Miranda, magkasama sa bagong IG story (📷@iamsofiaandres/Instagram)
Source: Instagram

Sa naturang IG story, makikitang sweet na magkasama sina Sofia at Daniel, suot ang coordinated na summer outfits—hawaiian polo shirt, shades, at Maui Jim caps. Isa pa sa mga kuha ay ipinakita ang close-up ng Maui Jim sunglasses, na maaaring sponsored content pero malinaw pa rin ang chemistry ng dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang higit pang nagpasaya sa fans ay ang mabilisang pagrepost ni Daniel Miranda ng naturang IG Story sa kanyang sariling Instagram account. Ito ay naging mitsa ng spekulasyon na tila maayos na muli ang kanilang relasyon, sa kabila ng mga naunang ulat na nag-unfollow sila sa isa’t isa sa social media. Hindi man sila nagbigay ng pahayag, malinaw sa mga larawan na tila walang tensyon sa pagitan ng dalawa at mas piniling i-celebrate ang kanilang bonding moment.

Sofia Andres at Daniel Miranda, magkasama sa bagong IG story
Sofia Andres at Daniel Miranda, magkasama sa bagong IG story (📷@iamsofiaandres, @danielmiranda/Instagram)
Source: Instagram

Ayon sa ilang netizens sa comment section, “Sino ba nagsabi na break na sila?? Or naniniwala lang mga tao sa pekeng fanpages.” Isa pang netizen ang nagsabing, “Typical na ganyan mag-away mga magso-syota, nag-u-unfollow at follow back paulit-ulit.”

Ang nasabing story update ay tila sagot sa ilang linggong spekulasyon kung tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa. Ngunit kung pagbabasehan ang mga larawan—relaxed, sweet, at coordinated—mukhang hindi pa tapos ang love story nina Sofia at Daniel.

Si Sofia Andres ay isang aktres at modelo na unang sumikat sa mga teen-oriented shows ng ABS-CBN. Maliban sa kanyang showbiz career, kilala rin siya bilang isang hands-on mom sa kanilang anak na si Zoe.

Si Daniel Miranda naman ay isang professional race car driver at mula sa prominenteng political family sa Cebu. Kilala rin siya sa social media bilang supportive partner ni Sofia, at madalas silang mag-travel bilang pamilya.

Nagkaroon sila ng anak noong 2019 at mula noon ay naging bukas sila sa pagbabahagi ng ilang bahagi ng kanilang buhay sa publiko. Bagama’t may mga pagkakataong private sila pagdating sa relasyon, patuloy pa rin silang sinusubaybayan ng fans.

Si Sofia ay karelasyon ng race car driver na si Daniel Miranda, at mayroon silang isang anak na babae na si Zoe Natalia.

Nagbahagi si Sofia Andres sa Instagram kamakailan ng larawan ng kanyang painting. Ayon sa caption ng aktres, napakarami niyang ideya ngunit hindi sapat ang kanyang mga canvas. Ibinahagi rin niya ang ilan sa mga paborito niyang likhang sining tulad ng mga mata, buwan, aura, mga anghel, at marami pang iba. Ayon kay Sofia, kailangan niya ng mas maraming kaibigang artist na makakatulong upang mapaunlad ang kanyang kakayahan sa pagpipinta.

Sinalubong ni Sofia Andres ang Bagong Taon kasama ang pamilya ng kanyang partner na si Daniel Miranda. Sa isang larawan na ibinahagi sa social media, makikita si Sofia na nakapose kasama ang pamilya na tila isang family picture. Batay sa geotag, kuha ang family portrait sa Paris, France, kung saan posibleng doon nila sinalubong ang taong 2025. Makikita rin sa ibang larawan na may mga miyembro ng pamilya na nagpa-picture nang solo sa naturang okasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate