Sparkle Management, naglabas ng statement sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ni Kyline
-Naglabas ng opisyal na pahayag ang Sparkle GMA Artist Center upang ipagtanggol si Kyline Alcantara laban sa mga malisyosong balita kaugnay ng kanyang hiwalayan kay Kobe Paras
-Sa isang video, kinumpirma ni Jackie Forster, ina ni Kobe, ang kanilang paghihiwalay at ibinunyag ang mga detalye ng kanilang relasyong nauwi sa hindi pagkakaunawaan
-Nagpahayag si Kyline ng kagustuhang manatiling tahimik at respetuhin ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay
-Isang kaibigan ni Kyline, si Trisha Villanueva, ang dumepensa sa aktres at kinuwestyon ang mga alegasyon laban sa kanya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa hiwalayan nina Kyline Alcantara at Kobe Paras, naglabas ng opisyal na pahayag ang Sparkle GMA Artist Center upang ipagtanggol ang aktres laban sa mga malisyosong balita. Ayon sa kanilang pahayag:

Source: Instagram
“Kyline would like to move on from this issue. She has chosen to keep her peace and maintain respect for the people who have been part of her life. She hopes we can all move on and put this issue to rest.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang pahayag na ito ay kasunod ng isang video na inilabas ni Jackie Forster, ina ni Kobe Paras, kung saan kinumpirma niya ang hiwalayan ng kanyang anak at ni Kyline. Sa video, ibinunyag ni Forster na nagsimulang magkaroon ng problema ang relasyon ng dalawa matapos ang kanilang biyahe sa Los Angeles noong Enero. Ayon sa kanya, sinubukan pa ni Kobe na ayusin ang kanilang relasyon ngunit nauwi ito sa hindi pagkakaunawaan na hindi na nila malampasan.
Dagdag pa ni Forster, may mga kasunduang pang-brand deals umano ang dahilan kaya’t hindi kaagad nila naipahayag ang hiwalayan. Sinabi rin niya na sinubukan pa ni Kyline na makipag-ayos kay Kobe hanggang sa araw bago ang Easter. Ngunit sa kabila ng pananahimik ni Kobe, ipinunto ni Forster na tila siya pa ang pinalalabas na may kasalanan sa social media.
Bilang tugon sa mga alegasyon, isang kaibigan ni Kyline na si Trisha Villanueva, isang gaming video creator, ang dumepensa sa aktres sa pamamagitan ng isang matapang na social media post. Ayon kay Trisha:
"People only get mad and defensive about certain topics when they know they're guilty."
Kinuwestyon din niya ang isang bahagi ng viral video kung saan umano'y sinabihan ni Kobe si Kyline ng:
“Are you cheating on me? You're disgusting.”
Ayon kay Trisha, si Kyline ay nakikipag-usap lamang sa isang taong kilala na ni Kobe mula pagkabata, at ang mga akusasyon laban sa kanya ay walang basehan. Dagdag pa niya:
“Takot sa sariling multo? The art of projection? Is this what it is?”
Sa kabila ng mga kontrobersya, nananatiling tahimik si Kyline at mas piniling huwag nang palalain pa ang sitwasyon. Sa halip, ipinakita niya ang kanyang lakas at determinasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga positibong post sa kanyang social media accounts.
Si Kyline Alcantara ay isang kilalang aktres at singer sa Pilipinas. Una siyang nakilala bilang child actress at lumaki sa harap ng kamera. Nakilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye tulad ng "Kambal, Karibal" at "Bilangin ang Bituin sa Langit." Bukod sa pag-arte, aktibo rin siya sa musika at social media, kung saan may milyon-milyong followers siya.

Read also
Kyline Alcantara, nagmakaawa daw na bumalik si Kobe sa tinitirhan nila ayon kay Jackie Forster
Matapos ang kontrobersyang kinasasangkutan, nagbahagi si Kyline ng bagong video post na agad umani ng atensyon online. Sa naturang video, makikita siyang simple ngunit classy ang dating habang nakasuot ng all-black outfit. Marami ang humanga sa kanyang composure at ganda sa gitna ng intriga.
Dumepensa si Trisha Villanueva, kaibigan ni Kyline, sa pamamagitan ng social media post laban sa mga alegasyon kinausap ni Kyline ang ibang lalaki habang may relasyon pa kay Kobe. Ayon kay Trisha, kilala ni Kobe ang taong iyon at wala umanong mali sa naging pakikipag-ugnayan ni Kyline. Tinawag niya ang mga paratang na pawang projection lamang ng sariling guilt.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh