Bimby Aquino, di na papasok sa showbiz: "School muna, taking care of mama"

Bimby Aquino, di na papasok sa showbiz: "School muna, taking care of mama"

-Nagpasya si Bimby Aquino Yap na huwag muna pumasok sa showbiz at ituon ang panahon sa pag-aaral

-Inamin ni Bimby sa panayam ni Ogie Diaz na nais muna niyang alagaan ang inang si Kris Aquino

-Ibinunyag niyang kukuha siya ng kursong Legal Management sa kolehiyo upang maging abogado

-Bukas din si Bimby sa posibilidad na pumasok sa mundo ng politika balang araw​

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Mas pinili ni Bimby Aquino Yap, anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino, na ipagpaliban muna ang anumang oportunidad sa showbiz upang bigyang-prayoridad ang kanyang pag-aaral at pagbibigay-alaga sa kanyang ina.

Bimby Aquino, di muna papasok sa showbiz: "School muna, taking care of mama"
Bimby Aquino, di muna papasok sa showbiz: "School muna, taking care of mama" (📷Erin Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Sa isang panayam kasama si Ogie Diaz, taos-pusong nagpasalamat si Bimby sa paghihintay ng publiko sa kanyang pagpasok sa showbiz ngunit nilinaw niyang ibang direksyon muna ang kanyang tatahakin sa ngayon.​

“​Thank you po talaga for waiting for me to enter showbiz,” pahayag ni Bimby habang kausap si Ogie sa kanilang panayam.​

Read also

Kobe Paras, usap-usapan online matapos ang pahayag ni Jackie Forster

Nang tanungin kung ano ang plano niya sa susunod na hakbang ng kanyang buhay, mariing sinabi ni Bimby na uunahin muna niya ang kanyang edukasyon. “School muna, taking care of mama, next year college na ako, Tito Ogie, I’m old na,” ani Bimby na ngayo'y handang pasukin ang mas seryosong yugto ng buhay.​

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinahayag din niya ang kagustuhang maging abogado sa hinaharap sa pamamagitan ng pagkuha ng kursong Legal Management. “Legal Management, Tito Ogie, para maging lawyer na ako. Imagine mo, ‘Atty Bimb’ ha, ha, ha! Imagine mo?” dagdag ni Bimby habang nakangiti.​

Pagdating naman sa posibilidad ng pagpasok sa politika, aminado siyang isa ito sa mga opsyon na iniisip niya, lalo na’t maraming miyembro ng kanilang pamilya ang naglingkod na sa gobyerno. “It’s always ang option, eh, sabi ni Lola (Corazon Aquino) and my mom said and my family who entered politics, ‘it’s a calling eh.’”​

Ngunit kahit bukas ang kanyang isipan, batid din ni Bimby ang mga hamon sa larangang ito. “Siyempre it’s not an easy job, but it’s a job that can help so many people. Alam mo naman sa politika, hindi naman toxic Tito Ogie, but you have to be careful talaga, there’s a saying na, ‘There’s no permanent friend in politics, and there the wind blows,’ you have to be careful talaga.”​

Read also

Lotlot de Leon, binahaging 3 beses na nag-flatline si Nora Aunor bago ito tuluyang pumanaw

Sa gitna ng pagsubok na kinakaharap ng kanyang inang si Kris dahil sa kalusugan, mas pinipili ni Bimby ang maging matatag na katuwang nito. Mula pagkabata ay lumaki siya sa mata ng publiko ngunit tila mas pinili ngayon ng binata ang buhay na may tahimik na direksyon habang pinaghahandaan ang mas seryosong mga papel sa hinaharap.​

Si James Carlos “Bimby” Aquino Yap ay anak nina Kris Aquino at dating PBA player na si James Yap. Ipinanganak noong 2007, lumaki si Bimby sa piling ng kanyang ina at ilang beses nang lumabas sa telebisyon at pelikula noong siya'y bata pa. Kilala rin siya sa kanyang talino at pagiging articulate sa mga panayam. Ngayong nagbibinata na siya, mas pinipili ni Bimby ang manahimik at maging katuwang ni Kris sa kanyang laban sa mga iniindang sakit.​

Bimby Aquino, Boy Abunda meet with Cornerstone: “Exciting days ahead for the young star”

Kris Aquino's sons Bimby & Josh visit First Lady Liza Marcos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate