Donny Pangilinan, hinangaan nang tahimik na nagdala ng tulong sa mga nasunugan
- Hinangaan ng marami si Donny Pangilinan sa pagtulong na ginawa niya kamakailan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
- Isang X user ang nag-shout out sa kabutihang ginawa na ito ni Donny sa kanila
- Maging si Ogie Diaz ay humanga sa nagawang ito ni Donny
- Sa ngayon, abala si Donny sa pagiging isa sa mga judges ng Pilipinas Got Talent
Hinangaan ang aktor na si Donny Pangilinan matapos na tahimik na nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan noong Abril 20.

Source: Facebook
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Natalakay ito nina Ogie Diaz sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update kung saan ibinahagi nila ang post ng isang X user tungkol sa nakakataba ng pusong pagtulong ni Donny.Natalakay ito nina Ogie Diaz sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update kung saan ibinahagi nila ang post ng isang X user tungkol sa nakakataba ng pusong pagtulong ni Donny.Natalakay ito nina Ogie Diaz sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update kung saan ibinahagi nila ang post ng isang X user tungkol sa nakakataba ng pusong pagtulong ni Donny.Natalakay ito nina Ogie Diaz sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update kung saan ibinahagi nila ang post ng isang X user tungkol sa nakakataba ng pusong pagtulong ni Donny.
"Big shoutout kay @donnypangilinan! grabe, our barangay is facing a really tough time ngayon dahil sa sunog, some families literally lost everything, as in naabo ang bahay. Pero Donny came through. Walang kaartehan, walang campaign. Just pure malasakit."
"He personally brought so many new foams para may maayos na higaan ang mga biktima, and also loads of essentials for their personal needs. Sobrang genuine niya, and you can really feel na bukal sa puso yung tulong," ang bahagi ng post ni @ikevinmendoza
Siniguro umano ni Donny na bukod sa mga iba pang pangangailagnan ng mga biktima, may maayos na mapagpapahingahan ang mga nasunugan na ang karamihan ay nalimas talaga ang mga kagamitan.
Maging si Ogie Diaz ay humanga sa nagawa na ito ni Donny. "Kaya Donny, tuloy-tuloy mo lang 'yan ha?"
Samantala, narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:
Si Donny Pangilinan ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa limang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan. Nakilala si Donny sa kanyang pagganap sa "He's Into Her" at "Can't Buy Me Love" kung saan kapareha niya si Belle Mariano. Minsan na ring naging MYX Vj si Donny at sa ngayon naman ay abala siya sa pagiging isang judge sa Pilipinas Got Talent kung saan kasama niya sina Kathryn Bernardo, Eugene Domingo at Sir "FMG" na si Freddie M. Garcia.

Read also
Miles Ocampo, pormal nang pumirma sa AAA — Opisyal Nang Ka-AAA Nila Marian, Maine, at Carla
Matatandaang taong 2024 nang subaybayan ng publiko ang "Can't Buy Me Love' na pinagbidahan nila ni Belle Mariano o tinatawag na "DonBelle" bilang love team. Sa naturang serye rin nagsimula ang tambalang MaThon nina Maris Racal at Anthony Jennings. Nasundan naman ito ng panibagong proyekto para sa "DonBelle" ang "How to spot a red flag" na na natapos naman nito lamang Pebrero.
Samantala, bukod sa pagiging aktibo sa showbiz, aktibo rin si Donny sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Katunayan, madalas maging volunteer si Donny sa mga relief operations tulad ng isinasagawa ng Angat Buhay Foundation. Matatandaang isa si Donny sa mga nag-abot mismo ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Carina noong Hulyo 2024. Siya mismo ang nagsadya sa Quezon City kung saan makikita ang mga pamilyang labis na nasalanta ng bagyo. Dahil Dito, pinasalamatan siya ni Former vice President Leni Robredo mula sa Angat Buhay Foundation.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh