Ian De Leon, pinabulaan ang sinasabing naging dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor
-Mariing pinabulaanan ni Ian De Leon ang kumakalat na balita na namatay ang kanyang ina habang inooperahan
-Ipinaliwanag ni Ian na nahirapan huminga si Nora Aunor pagkatapos ng operasyon at doon nagsimulang bumagsak ang kalagayan nito
-Ibinahagi ni Ian ang mga aral at alaala mula sa kanyang ina na patuloy nilang dadalhin sa kanilang pamilya
-Pinasalamatan ng pamilya Aunor ang lahat ng nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang ina na itinuturing nilang isang malaking biyaya sa kanilang buhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mariing pinabulaanan ni Ian De Leon ang mga kumakalat na haka-haka na namatay ang kanyang inang si Nora Aunor habang isinailalim sa isang operasyon. Sa isang press conference na ginanap matapos ang pagpanaw ng Superstar, ipinaliwanag ni Ian ang tunay na nangyari sa kanyang ina sa huling mga araw nito.

Source: Youtube
“She did not,” diretsong sagot ni Ian nang tanungin kung totoo bang habang inooperahan ay pumanaw ang kanyang ina. “She was being operated on, and after that, she had a hard time breathing, and eventually all things went downhill from there, and that's why they had to do another procedure after that.”

Read also
Janine Gutierrez, nagluluksa sa pagkawala ng mga lola na sina Pilita Corrales at Nora Aunor
Aminado si Ian na naging emosyonal siya at ang kanilang pamilya sa pagpanaw ng kanilang ina. Ani niya, “Yung mga naiwan niya sa aming alaala, aral ay hindi mamamatay iyon. Habambuhay naming dadalhin iyon. Yung mga aral na ibinigay niya sa amin ay makakarating sa mga anak namin, mga apo namin. Yung mga aral na iyon ay walang iba kundi ang maniwala sa Panginoon. Lumapit lang sa Kanya kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay. Kailangan lang nating maging matatag para sa mga mahal natin sa buhay.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa rin sa hindi raw malilimutan ng kanilang pamilya ay ang katatagan ni Nora sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. “Marami kaming pinagdaanan ngunit naging matatag kami dahil nakita naming naging matatag siya hindi lang sa sarili niya, kundi para sa amin,” dagdag pa ni Ian.
Lubos ang pasasalamat ng pamilya Aunor sa lahat ng nagbigay ng suporta, pagmamahal, at pag-unawa sa Superstar. “Nakita namin yung buhay niya, nakita nating lahat kung paano siya namuhay sa harapan ng masa, ng media, ng entertainment industry. Nakita rin namin kung paano siya namuhay sa amin, sa pamilya niya, sa personal. Marami kaming natutunan, kaya kami napakasuwerte, napaka-blessed namin kasi nagkaroon kami ng Nora Aunor, Nora Cabaltera Villamayor, bilang isang ina,” ani pa niya.
Si Nora Aunor ay isang multi-awarded actress, singer, at producer na kinilala bilang “Superstar” ng industriya ng showbiz sa Pilipinas. Siya ay pinarangalan bilang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022. Kilala siya sa kanyang makapangyarihang pagganap sa mga pelikulang tulad ng Himala, Bona, at Tatlong Taong Walang Diyos. Sa kanyang mahigit limang dekadang karera, nakatanggap siya ng mga pagkilala mula sa loob at labas ng bansa, at itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na artista sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ibinahagi ni Lotlot De Leon na ang burol ni Nora Aunor ay gaganapin sa The Chapels at Heritage Park, na may pribadong viewing para sa pamilya at kaibigan sa Abril 17, 18, at 21, habang ang pampublikong viewing ay sa Abril 19 at 20. Ang libing ay nakatakda sa Abril 22 sa Libingan ng mga Bayani.
Nagpahayag ng kanyang pagdadalamhati si Eugene Domingo sa pagpanaw ni Nora Aunor sa pamamagitan ng isang emosyonal na post sa Instagram, kung saan ibinahagi niya ang kanilang larawan at nagpasalamat sa Superstar.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh