Candy Pangilinan, ibinida ang unang trabaho ni Quentin sa isang Italian Restaurant
- Ibinahagi ni Candy Pangilinan na OJT na sa isang Italian restaurant ang anak niyang si Quentin
- Nagsisilbi si Quentin ng inumin, naghuhugas ng pinggan, at gumagawa ng iba’t ibang gawain sa kanyang unang trabaho
- Aminado ang aktres na kinabahan siya noong una pero masaya raw ngayon ang anak sa kanyang ginagawa
- Nagpapakita na rin ng interes si Quentin sa pag-arte at comedy ayon sa kanyang ina
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Puno ng pagmamalaki at tuwa si Candy Pangilinan nang ibahagi niya sa isang panayam ang bagong yugto sa buhay ng kanyang anak na si Quentin. Ayon sa aktres, kasalukuyang nagsisilbing on-the-job trainee ang kanyang anak sa isang Italian restaurant, isang malaking hakbang para kay Quentin na may Autism Spectrum Disorder (ASD) at Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).

Source: Instagram
“OJT siya ngayon sa isang Italian restaurant. Two months na,” pagbabahagi ni Candy. Hindi maitago ng aktres ang saya nang ikuwento kung ano-ano ang ginagawa ni Quentin sa kanyang unang trabaho. “Nagse-serve na siya, coffee, juice, ano orders. He mops, he washes plates, first job niya,” aniya sa panayam na naibahagi ni MJ Marfori.

Read also
Aiai Delas Alas, emosyonal sa engagement ng anak na si Sancho Vito sa girlfriend nitong si Paula
Bagama’t nagsimula ang lahat na may kaunting kaba, ibinahagi ni Candy na unti-unting natututo at nagiging masaya ang kanyang anak sa kanyang ginagawa. “Kinabahan ako ng una, baka mabasag pinggan, but so far he is doing well and is very happy. Ngayon he wants to stay there,” ani Candy.
Hindi lamang sa restaurant natutong magpakita ng kakayahan si Quentin. Ayon pa sa kanyang ina, unti-unti na ring nahihilig ang binata sa mundo ng pag-arte at pagpapatawa. “Gusto niya umarte. He has [a knack] for comedy,” ani Candy. Gayunpaman, aminado siyang baka hindi pa handa si Quentin sa mga mas seryosong requirements ng showbiz. “I don’t think he is ready for job requirements but baka with me lang muna, fun-fun lang,” paliwanag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kamakailan lang ay nag-viral ang isang YouTube vlog ni Candy kung saan kitang-kita ang emosyonal niyang reaksyon habang humaharap sa matinding tantrums ng kanyang anak. Sa video, kitang napaluha at tila nawalan ng pag-asa ang aktres dahil sa hirap ng kanyang pinagdadaanan bilang isang single mom sa anak na may espesyal na pangangailangan.
Sa kabila nito, nagtapos ang vlog sa positibong mensahe. Naging maayos muli ang samahan nilang mag-ina at humupa ang sitwasyon. Ikinuwento ni Candy ang kanyang natutunan mula sa mga komento ng netizens na naka-relate sa kanyang pinagdaanan.
“I realized marami ang makaka-relate na it is natural to get tired. It is okay to get tired. It felt good umamin na we get tired—‘wag lang susuko,” ani Candy. Dagdag pa niya, “That was when I realized when I read comments na there are a lot of people going through a lot of things. It is okay to get tired and we are human.”
Si Candy Pangilinan ay kilala bilang isang batikang komedyante at aktres sa industriya ng showbiz. Matapang niyang isinapubliko ang mga pagsubok bilang isang ina sa isang anak na may special needs. Sa kabila ng mga hamon, patuloy siyang humuhugot ng lakas para suportahan si Quentin at ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.
Candy Pangilinan, umaming tila na-burnout na sa pag-aalaga sa anak na si Quentin.
Emosyonal siya sa paglabas ng saloobin sa hirap bilang ina kay Quentin
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh