Aiai Delas Alas, emosyonal sa engagement ng anak na si Sancho Vito sa girlfriend nitong si Paula

Aiai Delas Alas, emosyonal sa engagement ng anak na si Sancho Vito sa girlfriend nitong si Paula

- Nagbahagi si Aiai Delas Alas ng masayang mensahe sa engagement ng anak na si Sancho Vito

- Mula pagkabata hanggang prom dates ay nasaksihan ni Aiai ang relasyon nina Sancho at Paula

- Tinawag ni Sancho ang nobya na si Paula bilang "padala ni Lord" sa isang post sa Instagram

- Buong pusong inalay ni Aiai ang pasasalamat sa Diyos para sa milestone ng kanyang anak

Hindi maitago ni Aiai Delas Alas ang labis na kasiyahan sa engagement ng kanyang anak na si Sancho Vito Delas Alas sa longtime girlfriend nitong si Paula. Sa pamamagitan ng isang emosyonal at punong-punong pagmamahal na post sa kanyang Facebook, ibinahagi ng batikang komedyante ang kanyang taos-pusong pagbati sa bagong yugto ng buhay ng kanyang anak.

Aiai Delas Alas, emosyonal sa engagement ng anak na si Sancho Vito sa girlfriend nitong si Paula
Aiai Delas Alas, emosyonal sa engagement ng anak na si Sancho Vito sa girlfriend nitong si Paula (📷Aiai Delas Alas/FB)
Source: Facebook

“From high school prom dates to forever soulmates—my heart is overflowing with joy as I congratulate my son @sanchovitodelasalas on his beautiful proposal to a very beautiful lady today. Watching you grow together from childhood sweethearts to a couple ready to build a life side by side has been one of the greatest blessings of my life. Here’s to a lifetime of love, laughter, and endless memories. So proud of you both!... again waiting for our dear chever .. To GOD be the glory on this very special day,” ayon sa post ni Aiai.

Read also

Rica Peralejo, nagbahagi ng kanyang realizations ukol sa kanyang ama

Sa Instagram naman, nagbahagi si Sancho ng larawan ng kanyang proposal at sinabing, “Naniniwala akong padala ka sakin ni Lord kaya tama lang na hingin ko ang kamay mo sa harap niya,” na ikinatuwa at ikinaantig ng maraming netizens. Umani ng pagbati at suporta mula sa mga kaibigan, tagahanga, at kapwa celebrities ang engagement post nina Aiai at Sancho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matagal nang magkasintahan sina Sancho at Paula, at kilala sila bilang isa sa mga low-key at pribadong couple sa showbiz circle. Marami ang humanga sa katatagan at lalim ng kanilang relasyon, lalo pa’t sinimulan nila ito noong sila ay nasa high school pa lamang. Sa kabila ng pagiging anak ng isang sikat na personalidad, piniling mamuhay ni Sancho sa likod ng kamera at lumayo sa ingay ng showbiz.

Si Aiai Delas Alas ay isa sa mga pinakarespetadong komedyante at aktres sa Pilipinas. Kilala siya hindi lamang sa kanyang mga iconic na pelikula gaya ng Ang Tanging Ina kundi pati na rin sa pagiging isang mapagmahal na ina. Si Sancho Vito Delas Alas ay anak ni Aiai na naging aktibo rin sa industriya bilang isang aktor, ngunit mas piniling mamuhay ng pribado sa mga nagdaang taon. Ang kanyang fiancée na si Paula ay hindi kabilang sa showbiz at madalang lamang makita sa social media.

Read also

Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales, namayapa na sa edad na 85

Ibinahagi ni Ai-Ai ang kanyang kasiyahan para sa engagement ng anak niyang si Sancho Vito Delas Alas at ng kababata nitong si Paula. Ipinahayag niya ang papuri sa magiging daughter-in-law niya at pinasalamatan si Paula sa pagbabalik sa buhay ng kanyang anak.

Nagpahayag si Ai-Ai ng suporta sa live selling ni Angelica Yulo, isang online seller. Ipinakita niya ang kanyang interes na bumili at sumuporta sa mga produkto ni Angelica, na nagpapakita ng kanyang malasakit sa mga maliliit na negosyante. Ang kanyang aksyon ay isang inspirasyon sa iba na tumulong at magbigay ng suporta sa mga nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate