Rabiya Mateo, nilinaw ang kanyang ugnayan sa LVNA by Drake Dustin Jewelry

Rabiya Mateo, nilinaw ang kanyang ugnayan sa LVNA by Drake Dustin Jewelry

- Nilinaw ni Rabiya Mateo sa pamamagitan ng kanyang legal team na wala siyang pagmamay-ari o papel sa pamamahala ng LVNA

- Ipinunto ng pahayag na dati siyang endorser at kasalukuyang investor ngunit hindi siya tumanggap ng shares o ownership interest

- Isiniwalat din na hindi natutupad ng LVNA ang obligasyon nitong bayaran siya ng garantisadong interes

- Pinayuhan ng kanyang kampo ang publiko na mag-ingat sa mga nagpapanggap na konektado kay Rabiya para mangalap ng investment

Binasag ni Rabiya Mateo ang katahimikan at nilinaw ang kanyang ugnayan sa LVNA by Drake Dustin Jewelry matapos kumalat ang mga online alegasyon tungkol sa umano'y pagbebenta ng "fake diamonds" at isyung may kinalaman sa pamumuhunan.

Rabiya Mateo, nilinaw ang kanyang ugnayan sa LVNA by Drake Dustin Jewelry
Rabiya Mateo, nilinaw ang kanyang ugnayan sa LVNA by Drake Dustin Jewelry (📷@rabiyamateo/Instagram)
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng Sparkle actress at dating Miss Universe Philippines ang opisyal na pahayag ng kanyang legal team, Geco Law Officers, upang ayusin ang anumang maling interpretasyon kaugnay sa kanyang kaugnayan sa nasabing kumpanya.

Read also

Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad

Ayon sa pahayag, si Rabiya ay hindi kailanman naging shareholder, may-ari, direktor, o bahagi ng pamunuan ng LVNA.

“To clarify any potential confusion, Ms. Mateo is not, and has never been, a shareholder, owner, director, or in any other manner a part-owner or participant in the management, operations, or control of LVNA,” pahayag ng kanyang legal team.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa rito, nilinaw na ang naging relasyon ni Rabiya sa LVNA ay limitado lamang sa pagiging endorser ng kanilang mga alahas noon at kasalukuyang investor ngayon.

Nilinaw din sa dokumento na ang kanyang investment ay hindi nagresulta sa pagbibigay sa kanya ng shares o stocks mula sa kumpanya, kundi isang kasunduan lamang ng pagtanggap ng garantisadong interes sa loob ng takdang panahon.

“As current investor, Ms. Mateo was not issued any shares, stocks, or ownership interests in LVNA – her investment being restricted solely to the receipt of guaranteed interest returns for a specified period,” ayon sa pahayag.

Read also

Priscilla Meirelles, nabanggit na nakikipagbalikan si John Estrada sa kanya

Ngunit inamin rin ng kampo ni Rabiya na hindi tumutupad ang LVNA sa kanilang obligasyon na bayaran siya ng nasabing garantisadong interes, dahilan upang mas lalo siyang ma-disconnect sa operasyon ng kumpanya.

Sa parehong pahayag, binigyang-diin ng kanyang legal team na layunin ng kanilang babala na itama ang mga maling pahayag at ilayo si Rabiya sa anumang isyu na maaaring idikit sa kanya.

Pinayuhan din ng Geco Law Officers ang publiko na mag-ingat sa mga indibidwal o grupong ginagamit ang pangalan ni Rabiya para makahikayat ng investment sa LVNA.

Ang nasabing statement ay inilabas kasunod ng mga akusasyon sa social media na may kaugnayan sa diumano’y pagbebenta ng pekeng diamante ng LVNA. Sa kanilang Facebook page, agad itong itinanggi ng LVNA at iginiit na sila ay isang legal na rehistradong negosyo na nakatuon sa transparency, authenticity, at kalidad ng kanilang mga produkto.

Si Rabiya Mateo ay isang kilalang beauty queen at aktres sa ilalim ng Sparkle GMA Artist Center. Siya ay naging Miss Universe Philippines 2020 at naging kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant. Mula sa mundo ng pageantry, matagumpay niyang naitaguyod ang kanyang pangalan sa showbiz, na umani ng mga proyekto sa telebisyon at endorsement deals.

Read also

Discaya sa smear video vs Vico Sotto: "We want the truth to come out"

Matatandaang pinasilip ni Rabiya kamakailan ang kanyang simple at payapang buhay sa Iloilo.

Sa naunang ulat ay sinagot niya ang mga katanungan kung kailan siya mag-aasawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate