Dennis Padilla, naikwentong nag-iiyak na tumawag ang anak na si Claudia ilang oras bago ang kasal

Dennis Padilla, naikwentong nag-iiyak na tumawag ang anak na si Claudia ilang oras bago ang kasal

- Naikwento ni Dennis Padilla kay Ogie Diaz ang mga kaganapan 'di umano bago ang kasal ng anak na si Claudia

- Aniya, umiitak umano itong tumawag sa kanya ilang oras bago ang kanyang kasal

- Matatandaang, nalaman ng publiko ang kasal ni Claudia dahil umano sa post ni Dennis

- Ito ay nang sabihin niyang naging "visitor" lamang siya kahit siya ang "father of the bride"

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na makapanayam si Dennis Padilla patungkol sa mga posts nito kamakailan tungkol sa kasal ng anak nila ni Marjorie Barretto na si Claudia.

Dennis Padilla, naikwentong nag-iiyak na tumawag ang anak na si Claudia ilang oras bago ang kasal
Dennis Padilla, naikwentong nag-iiyak na tumawag ang anak na si Claudia ilang oras bago ang kasal (TikTok/@mindcl0uds)
Source: TikTok

Ani Dennis, nakatanggap umano siya ng tawag mula kay Claudia ilang oras bago ang kasal nito Noong April 8.

"Mga 8 ng umaga, na-message ko si Claui. Sabi ko I'm so happy for both of you, love more love... Maya ng konti, nagri-ring telpono ko wala pang 2 minutes. Si Claui, sabi nya, good morning pa. Sabi ko why? I need to tell you something. Sabi ko what, any problem? Alam mo sabi niya, pa hindi na po tuloy yung kasal... why are you crying?"

Read also

Marjorie Barretto, nilinaw ang tungkol sa usapin tungkol sa paghatid kay Claudia sa altar

"Kasi for the past one week, hindi ko na nakikita yung interes ni Basti na magpakasal kami. Parang hindi siya sure. Ay mahirap 'yan anak. 'Wag ka nang tumuloy. It's okay people will understand, I will understand"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ako pakiramdam ko lang, kaya niya sinabi na hindi na tuloy ang kasal siguro ayaw na niya ako pumunta e."

Sa naturang panayam din sa kanya ni Ogie Diaz, nasabi ni Dennis na ito na umano ang katapusan ng matagal na 'di umanong panunuyo sa mga anak.

"Ayaw ko na, surrender na, finish. Tatay nalang nila ako. Pero bringing back the relationship, wala na siguro"

"Wala na, I'm sorry wala na. Napagod na."

"I thought hindi ako mapapagod. Akala ko hindi e. Napagod na"

"Bibitbitin ko nalang 'to hanggang mamatay ako," ang ilan sa mga nabitiwang mga salita ni Dennis patungkol sa mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Read also

Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto. Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak kay Marjorie noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Gayunpaman, noong 2024 kung saan may bagong pelikula si Julia kasama si Aga Muhlach, nagsabi ng good luck si Dennis para sa anak. Katunayan, sa tuwing makakausap din siya ng press nang mga panahong iyon, isa siya sa nagpo-promote ng pelikula ng anak, bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta niya sa career nito lalo na at maituturing si Julia na isa sa mga mahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon.

Read also

Dennis Padilla, binahaging nakiusap si Claudine na makadalo sa kasal ng pamangkin

March 18 ng kasalukuyang taon nang maganap ang nakita ng publiko sa larawan nilang mag-aama. Marami na nga ang natuwa sa kanila dahil nagkasama-sama ulit ang mga ito na matagal nang inaasam ni Dennis. Iyon pala umano ang pagkakataong sinabi na ni Claudia ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang nobyo pa lamang noon na si Basti Lorenzo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica