Priscilla Meirelles, nabanggit na nakikipagbalikan si John Estrada sa kanya

Priscilla Meirelles, nabanggit na nakikipagbalikan si John Estrada sa kanya

john- Inamin ni Priscilla Meirelles na paulit-ulit siyang kinukumbinsi ni John Estrada na magkaayos sila

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

- Nilinaw ng beauty queen na walang balak bumalik sa piling ng dating asawa

- Ikinuwento niyang binibigyan ng maling interpretasyon ng netizens ang kanyang pagpapapayat

- Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggalang sa mga taong naging mabuti sa iyo

Ibinunyag ni Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles na patuloy siyang hinihimok ng kanyang estranged husband na si John Estrada na magkaayos sila, ngunit iginiit niyang sarado na ang pahina ng kanilang relasyon.

Priscilla Meirelles, nabanggit na nakikipagbalikan si John Estrada sa kanya
Priscilla Meirelles, nabanggit na nakikipagbalikan si John Estrada sa kanya (📷Karen Davilla/YouTube)
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang panayam sa YouTube channel ng Kapamilya journalist na si Karen Davila, ibinahagi ni Priscilla na marami siyang nababasang haka-haka tungkol sa kanyang pagbabalik-ayos umano sa aktor. Isa sa mga napapansin ng netizens ay ang umano’y pagbabagong-anyo niya at ang pagpayat niya, na itinuturing nilang senyales ng kagustuhang bumalik sa dating asawa.

Nang tanungin kung totoo bang sinusubukan ni John na makipag-ayos, tahasang sagot ni Priscilla, “He does constantly.”

Read also

Discaya sa smear video vs Vico Sotto: "We want the truth to come out"

Ayon pa kay Priscilla, nakakabasa siya ng mga komento na nagsasabing gusto raw niyang bumalik sa kanyang asawa kaya siya nagpapaganda.

“It’s a little bit flattering because there are a lot of assumptions online. I get comments like, ‘She’s losing weight because she wants her husband back,’ ‘He doesn’t want to do anything with you, move on,’ things like that. The thing is that it does not come from what happened,”paliwanag ng beauty queen.

Ipinaalala ni Priscilla na matapos maging pinal ang desisyon niyang iwan ang aktor, kasama ang kanilang anak, ay wala na siyang balak na bumalik pa sa kanilang dating pagsasama. Lumipat na umano sila sa ibang tahanan, na malinaw na senyales ng kanyang desisyong tapusin ang lahat.

Tinuldukan niya ang posibilidad ng pagkakaayos sa pamamagitan ng matatag na pahayag:

“If there’s something that he and the people like him need to learn is that you cannot over and over treat people with lack of respect, especially the ones that are good to you,” ani ni Priscilla Meirelles.

Read also

Video ng paghahatid ni Marjorie Barretto kay Claudia sa altar, viral

Matatandaang naging laman ng balita ang relasyon ng dalawa matapos mag-viral ang video kung saan sinabi ni Priscilla na may kasamang ibang babae si John. Kasunod nito, kinumpirma ang kanilang paghihiwalay. Noong Setyembre ng nakaraang taon, nakunan silang magkasama sa Singapore, na nagpasimula ng mga espekulasyong nagkabalikan sila — isang bagay na agad namang pinabulaanan ng aktres.

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Brazilian model, host, aktres, environmentalist, at beauty queen. Ipinanganak siya noong Setyembre 5, 1983, at nakilala sa buong mundo nang koronahan bilang Miss Earth noong 2004, kung saan ginanap ang pageant sa Pilipinas. Bago nito, nakuha rin niya ang titulong Miss Globe International noong 2003 sa Turkey.

Ibinahagi ni Priscilla sa kanyang Instagram ang isang larawan kung saan makikita ang kanyang glam-up look. Suot niya ang isang itim na formal dress na bumagay sa kanyang makeup at hairstyle. Ang post na ito ay umani ng papuri mula sa mga netizens na humanga sa kanyang kagandahan.

Read also

Vico Sotto, umani ng papuri sa paninindigan laban sa “Money Politics”

Sa isang Facebook post, tinanong si Priscilla ng isang netizen kung mananatili na siya sa Brazil o kung nagbabakasyon lamang siya roon. Agad niyang sinagot na siya ay naroon lamang para sa isang bakasyon. Ang sagot na ito ay nagbigay-linaw sa mga espekulasyon tungkol sa kanyang pananatili sa Brazil.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: