Dennis Padilla, sinabing nakiusap si Claudine na makadalo sa kasal ng pamangkin

Dennis Padilla, sinabing nakiusap si Claudine na makadalo sa kasal ng pamangkin

- Hindi raw inimbitahan si Claudine Barretto sa kasal ng kanyang pamangkin na si Claudia Barretto

- Ito ay ayon kay Dennis Padilla at sinabi niyang nagpadala si Claudine ng mensahe kay Marjorie upang makiusap na dumalo

- Binura daw ang huling mensahe ni Claudine at pagkatapos ay nablock umano siya ni Marjorie

- Napaiyak umano si Claudine matapos siyang hindi payagang dumalo sa kasal ng pamangkin

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ayon sa kwento ni Dennis Padilla sa panayam kay Ogie Diaz, hindi umano imbitado ang aktres na si Claudine Barretto sa kasal ng kanyang pamangkin na si Claudia Barretto, anak ng kapatid niyang si Marjorie Barretto.

Dennis Padilla, binahaging nakiusap si Claudine na makadalo sa kasal ng pamangkin
Dennis Padilla, binahaging nakiusap si Claudine na makadalo sa kasal ng pamangkin (📷@claubarretto/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Dennis, tumawag pa raw si Claudine sa kanya noong gabi bago ang kasal at nakiusap kung maaari siyang dumalo kahit sandali upang personal na maibigay ang kanyang regalo kay Claudia.

“Tumawag siya [Claudine] nung gabi sa akin. Nakiusap din pala siya, she had I think 2 messages sa Viber kay Marjorie. Nakikiusap siya: ‘Baka puwede naman akong umatend. Magbibigay lang ako ng gift ko kay Claudia,’” salaysay ni Dennis.

Read also

Dennis Padilla, tinuldukan na umano ang ugnayan sa ilang anak: "This is a permanent goodbye"

Dagdag pa niya, binura raw ang pangatlong mensahe ni Claudine at pagkatapos ay nablock umano ito ni Marjorie, kaya’t hindi na raw pumasok ang iba pa nitong mensahe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng hindi pagkakaimbitahan, sinabi pa raw ni Dennis kay Claudine na mag-attend na lamang at siya na raw ang bahala rito. “Buti pala hindi siya pumunta eh di lalo na. Ang yabang-yabang ko pa, father of the bride, pumunta ka, akong bahala sa iyo,” biro pa ni Dennis.

Ibinahagi rin ni Dennis na labis ang naging pagkalungkot ng aktres. “Sobra, parang hihimatayin, sobra,” aniya habang ikinukuwento kung paano napaiyak si Claudine sa nangyari.

Wala pang pahayag mula kina Marjorie o Claudia Barretto ukol sa isyung ito, ngunit tila patuloy pa rin ang tensyon sa pagitan ng ilang miyembro ng kilalang pamilya Barretto.

Gayunpaman, nagviral ngayon ang video ng paghahatid ni Marjorie Barretto sa kanyang anak na si Claudia Barretto sa altar noong kasal nito. Ang video na ito ay naging sentro ng usapan kasunod ng mga pahayag ni Dennis Padilla, ang ama ni Claudia, na nag-express ng kanyang pagkadismaya matapos hindi siya makuha bilang father of the bride at naging isang simpleng bisita na lamang sa kasal. Makikita sa viral na video na si Marjorie ang kasamang naghatid kay Claudia patungo sa altar, at hindi si Dennis.

Read also

Dennis Padilla, idinetalye ang umano'y sama ng loob sa nangyari sa kasal ni Claudia

Ayon kay Dennis, noong Abril 8, nang maganap ang kasal ni Claudia sa kanyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo, siya ay dumalo ngunit hindi siya binigyan ng espesyal na papel sa seremonya. Sa isang Instagram post na ngayon ay tinanggal na, sinabi ni Dennis, “Grabe kayo! Nabudol niyo [ako]! Father of the bride naging visitor! Galing niyo!” at ikino-komento pa niyang “Sagad sa buto” ang nararamdaman niyang sakit. Ipinahayag din niya sa isang pang post na tinanggal din na, “Kapal nyo.

Si Claudine Margaret Castelo Barretto ay isang kilalang aktres sa Pilipinas, ipinanganak noong Hulyo 20, 1979, sa Maynila. Siya ang bunso sa pitong magkakapatid nina Miguel at Estrella "Inday" Barretto, at kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto na parehong nasa industriya ng showbiz. Nagsimula ang kanyang karera noong 1992 sa youth-oriented show na "Ang TV," at kalaunan ay naging bahagi ng mga sitcom tulad ng "Home Along Da Riles," "Oki Doki Doc," at "Palibhasa Lalake."

Read also

Video ng paghahatid ni Marjorie Barretto kay Claudia sa altar, viral

Nakilala rin siya sa mga teleseryeng "Mula sa Puso" (1997), "Saan Ka Man Naroroon" (1999), at "Marina" (2004). Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Raymart Santiago noong 2006 ngunit naghiwalay noong 2013. Mayroon siyang apat na anak, kabilang ang mga inampon niyang sina Sabina at Noah Joaquin.

Kamakailan ay humiling si Claudine ng panalangin para sa kanyang inang si Inday Barretto sa pamamagitan ng social media, binanggit na ito na lamang ang natitira niyang magulang.

Nagbigay-pugay si Claudine sa kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto sa pamamagitan ng isang emosyonal na mensahe sa social media, kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal at pangungulila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate