Dia Mate, nagsalita tungkol sa isyung pinupukol kina JK Labajo at Kyle Echarri

Dia Mate, nagsalita tungkol sa isyung pinupukol kina JK Labajo at Kyle Echarri

- Mariing itinanggi ni Dia Mate ang mga alegasyong laban kina JK Labajo at Kyle Echarri

- Sinabi niyang nakita niya mismo ang lahat ng nangyari sa event

- Lumabas sa isang ulat ni Cristy Fermin ang umano’y tensyon sa pagitan nina Daniel, Kyle, JK, at Richard sa ABS-CBN Ball

- Wala pang pahayag mula sa mga nabanggit na artista tungkol sa isyu

Matapang na sinagot ni Dia Mate, kasintahan ng singer-songwriter na si JK Labajo, ang mga usap-usapang may kinalaman sa umano’y kaguluhan na kinasasangkutan nina JK at aktor na si Kyle Echarri. Sa kanyang social media post, mariin niyang itinanggi ang mga alegasyon.

Dia Mate, nagsalita tungkol sa isyung pinupukol kina JK Labajo at Kyle Echarri
Dia Mate, nagsalita tungkol sa isyung pinupukol kina JK Labajo at Kyle Echarri (@diaxmate/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Dia:

“Guys again, everyone's asking me about the issue, please do not believe the issue, not true. Everything about JK and Kyle is not true. As someone with her own eyes, saw everything. Not true. What they're being accused of, not true.”

Read also

Bela Padilla, nagpaliwanag sa pag-unfollow kina Piolo Pascual at Kyle Echarri

Kasabay nito, naging usap-usapan sa ilang showbiz program ang umano’y tensyon sa pagitan nina Daniel Padilla, Kyle Echarri, JK Labajo, at Richard Gutierrez sa naganap na ABS-CBN Ball kamakailan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa programang Cristy Ferminute, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang sinasabing kwento ng kanyang source na diumano’y nakasaksi sa isang mainit na tagpo sa pagitan ng mga nabanggit na personalidad. Ayon sa source ni Cristy, may naging seryosong pag-uusap umano sina Kyle at Daniel, at nasangkot din umano sina JK at Richard sa insidente.

Gayunpaman, nilinaw ni Cristy na hindi siya mismo ang nakasaksi sa insidente, at kundi mula sa isang source niya na hindi niya pinangalanan.

Sa gitna ng mga haka-haka, muling nanindigan si Dia na walang dapat paniwalaan sa mga isyung ibinabato kina JK at Kyle. Dagdag pa niya, siya mismo ay naroroon at nasaksihan ang lahat, at wala umanong katotohanan ang mga paratang.

Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Kyle Echarri, Daniel Padilla, o Richard Gutierrez hinggil sa isyung ito.

Read also

COMELEC, muling nagpataw ng show cause order kay Atty. Ian Sia

Si Dia Mate, ay isang Pilipinang beauty queen. Noong Pebrero 9, 2025, itinanghal siyang Reina Hispanoamericana 2025 sa Santa Cruz, Bolivia, kung saan tinalo niya ang 24 na iba pang kandidata mula sa mga bansang may Hispanic heritage. Bago nito, lumahok siya sa Miss Universe Philippines 2024, kung saan hindi siya nakapasok sa top 20 ngunit nagwagi bilang Miss Cream Silk at naging isa sa top five finalists sa swimsuit challenge. Si Dia ay nagmula sa prominenteng pamilya Remulla ng Cavite at kasalukuyang kasintahan ng singer-actor na si Juan Karlos "JK" Labajo.​

Ibinahagi ni JK Labajo ang kanyang pagmamalaki at pagmamahal sa kasintahang si Dia Mate matapos itong koronahan bilang Reina Hispanoamericana 2025. Sa kanyang Instagram post noong Pebrero 10, 2025, pinuri ni JK ang paglago ni Dia at ipinahayag kung gaano niya ito kamahal.

Nagpahayag ng suporta at pagbati si Winwyn Marquez kay Dia Mate matapos nitong masungkit ang titulo ng Reina Hispanoamericana 2025. Si Winwyn, na unang Pilipinang nanalo sa naturang pageant noong 2017, ay nagbahagi ng kanyang kasiyahan para kay Dia sa pamamagitan ng social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel