Buboy Villar, inaming nakipag-chat noon sa ibang babae habang sila pa ni Angillyn

Buboy Villar, inaming nakipag-chat noon sa ibang babae habang sila pa ni Angillyn

- Binanggit ni Buboy Villar na may mga naka-chat siyang ibang babae habang magkasama pa sila ni Angillyn Gorens

- Itinanggi ni Buboy ang cheating allegation, kabilang na ang pagkakaroon ng ibang kasintahan

- Ayon kay Buboy, hindi siya perpekto at inamin niyang nagkakamali ngunit hindi niya tinutuloy ang mga pakikipag-usap sa ibang babae

- Nagbigay ng pahayag si Buboy na tinatanggap niya ang posibleng pagkakamali at humihingi siya ng paumanhin

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay-linaw si Buboy Villar sa mga akusasyon na ibinato sa kanya ng kanyang ex-partner na si Angillyn Gorens sa kanyang pag-appear sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Biyernes. Kabilang sa mga isyung tinalakay ni Buboy ay ang mga paratang ng pangangaliwa.

Buboy Villar, inaming nakipag-chat noon sa ibang babae pero itinangging nag-cheat sya
Buboy Villar, inaming nakipag-chat noon sa ibang babae pero itinangging nag-cheat sya (📷Screengrab from GMA Network/YouTube and Angillyn Gorens/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Buboy, aminado siyang nakipag-chat siya sa ibang mga babae ngunit nilinaw niyang hindi siya nagkaroon ng ibang kasintahan o anumang sekswal na relasyon sa ibang mga babae habang sila ay magkasama ni Angillyn. "Aminin ko, hindi ako perpekto. May mga chat po ako paminsan-minsan pero hindi ko tinutuloy. Mas pumapasok sa isip ko na 'ayoko magkamali kay Angillyn," aniya. Inamin din ni Buboy na naguguluhan siya kung maituturing ba itong pangangaliwa, ngunit tinanggap niya ito bilang parte ng kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin.

Read also

Buboy Villar, emosyonal na ibinahagi ang hangarin na makasama araw-araw ang kanyang mga anak

Sa pagtatanong ni Tito Boy kung nagkaroon ba siya ng relasyon sa ibang babae habang sila pa ni Angillyn, mariing sumagot si Buboy, "Hindi po." At nang tanungin kung nagkaroon ba siya ng sekswal na relasyon sa iba, matigas na sagot ni Buboy, "Never."

Idinagdag pa ni Buboy na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil binibigyan siya nito ng kaliwanagan ng isip, na nagsasabing may kapalit na hindi maganda ang anumang maling gawain.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang episode ng "Your Honor" podcast, ibinahagi ni Buboy na mayroon siyang anak sa non-showbiz girlfriend niyang si Khrizza Sampiano, at ipinost pa ni Khrizza ang isang larawan ng kanilang pamilya. Sumunod naman si Angillyn na naglabas ng pahayag sa social media, na nagbukas ng mga isyu ng pangangaliwa at pang-aabuso sa kanilang relasyon. Pinabulaanan naman ni Buboy ang mga akusasyon ng pang-aabuso at nilinaw na nagbibigay siya ng suporta para sa kanilang mga anak.

Read also

Buboy Villar, inamin ang bagong anak ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens

Si Buboy at si Angillyn ay nagsimulang magsama noong 2016 at mayroong dalawang anak, sina Vlanz Karollyn at George Michael. Nagkahiwalay sila noong 2020 ngunit patuloy pa ring nagsusumikap na magtulungan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Si Robert "Buboy" Tamayo Villar, Jr. ay isang Pilipinong aktor, komedyante, host, at mang-aawit na isinilang noong Marso 21, 1998, sa Cebu City, Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula at teleserye tulad ng "Kid Kulafu" (2015), kung saan ginampanan niya ang batang Manny Pacquiao, at "Ang Panday" (2009).

Noong Marso 21, 2025, sa kanyang ika-27 na kaarawan, isinapubliko ni Buboy Villar ang kanyang relasyon kay Khrizza Mae "Isay" Sampiano. Sa parehong okasyon, ipinakilala rin niya ang kanilang anak na si Kyruz, na may palayaw na "Kyrie". Ang rebelasyong ito ay naganap sa isang sorpresa ni Isay para kay Buboy sa taping ng kanyang vodcast show na "Your Honor".

Read also

Buboy Villar, emosyonal na itinanggi ang akusasyon ni Angillyn Gorens

Noong Marso 25, 2025, naging usap-usapan sa social media ang mga makahulugang posts nina Buboy Villar at ng kanyang partner na si Isay Sampiano. Sa isang Facebook story, nag-post si Buboy ng mensaheng, "Ayaw ko na lang mag-talk," habang si Isay naman ay nagbahagi ng quote tungkol sa kahalagahan ng privacy, na may postscript na nagsasabing, "P.S. Know the truth first before you believe rumors."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: