Buboy Villar, inamin ang bagong anak ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens

Buboy Villar, inamin ang bagong anak ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens

- Inamin ni Buboy Villar na may anak na sa iba ang dating karelasyon niyang si Angillyn Gorens

- Sinabi ni Buboy na tinanggap niya ang bagong anak ni Angillyn nang walang galit o sama ng loob

- Iginiit ni Buboy na hindi niya pinakikialaman ang buhay ni Angillyn ngunit gusto niyang maging handa kung magtanong ang kanilang anak

- Mariing itinanggi ni Buboy ang mga paratang ng pananakit at kakulangan sa sustento na ibinato sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inamin ng actor-comedian na si Buboy Villar na mayroon na ring anak sa ibang lalaki ang dating karelasyon niyang si Angillyn Gorens matapos ang kanilang paghihiwalay.

Buboy Villar, inamin ang bagong anak ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens
Buboy Villar, inamin ang bagong anak ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens (📷Screengrab from GMA Network/YouTube and Angillyn Gorens/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ibinunyag ni Buboy na alam niya ang tungkol sa bagong anak ni Angillyn at tinanggap niya ito nang walang sama ng loob.

“Simula nga noong nagkaanak rin siya sa bago niya, hindi naman po ako nagsalita, Tito Boy. Bago po ako nagkaanak, nagkaanak na rin po siya sa Amerika. Hindi po ako nagalit,” saad ni Buboy.

Read also

Ina ni Klarisse De Guzman, puring-puri si Trina; tinawag pa itong "manugang"

Kwento pa ng komedyante, siya pa raw mismo ang nagtanong kay Angillyn matapos niyang makita ang larawan ng bagong anak nito sa isang social media story.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng rebelasyon, sinabi ni Buboy na hindi niya pakikialaman ang buhay ng dating partner, at nais lamang niyang maging handa kung sakaling tanungin siya ng kanilang anak tungkol sa ina nito.

“Mine-make sure ko lang po, kasi para alam ko rin po ‘pag nagtanong sa akin ‘yung anak ko. Alam ko rin po kung ano ang sasabihin. Hindi po ‘yung parang, ‘Ah talaga? Bago sa akin ‘yun,’” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Buboy ang kanyang saloobin ukol sa respeto sa isa’t isa bilang dating magkapareha.

“Tito Boy, gusto ko lang po, para sa akin, nakakalungkot mang sabihin, gusto ko rin sana, parang nirerespeto niya rin sana kung ano ako. Kasi siya, Tito Boy, I promise, I swear to God, nirerespeto ko po siya,” aniya.

Read also

Buboy Villar, emosyonal na itinanggi ang akusasyon ni Angillyn Gorens

Bukod sa kanyang rebelasyon, hinarap din ni Buboy ang mga paratang laban sa kanya, kabilang ang isyu ng sustento at umano’y pananakit sa dating karelasyon. Mariin niyang itinanggi ang akusasyon at iginiit na walang katotohanan ang mga ito.

Patuloy na umaasa si Buboy na maayos nilang mapapalaki ang kanilang anak sa kabila ng kani-kanilang bagong buhay.

Si Robert "Buboy" Tamayo Villar, Jr. ay isang Pilipinong aktor, komedyante, host, at mang-aawit na isinilang noong Marso 21, 1998, sa Cebu City, Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula at teleserye tulad ng "Kid Kulafu" (2015), kung saan ginampanan niya ang batang Manny Pacquiao, at "Ang Panday" (2009). Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon noong 2006 at naging bahagi rin siya ng boy band na Mak and the Dudes. Sa kanyang personal na buhay, siya ay may dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael sa kanyang dating kasintahan na si Angillyn Gorens. Kamakailan, ipinakilala niya ang kanyang bagong partner na si Khrizza Mae "Isay" Sampiano, at ang kanilang anak na si Kyruz o "Kyrie".

Read also

Boy Tapang, itinanggi ang paratang ng pambubugbog sa kanyang partner

Noong Marso 21, 2025, sa kanyang ika-27 na kaarawan, isinapubliko ni Buboy Villar ang kanyang relasyon kay Khrizza Mae "Isay" Sampiano. Sa parehong okasyon, ipinakilala rin niya ang kanilang anak na si Kyruz, na may palayaw na "Kyrie". Ang rebelasyong ito ay naganap sa isang sorpresa ni Isay para kay Buboy sa taping ng kanyang vodcast show na "Your Honor".

Noong Marso 25, 2025, naging usap-usapan sa social media ang mga makahulugang posts nina Buboy Villar at ng kanyang partner na si Isay Sampiano. Sa isang Facebook story, nag-post si Buboy ng mensaheng, "Ayaw ko na lang mag-talk," habang si Isay naman ay nagbahagi ng quote tungkol sa kahalagahan ng privacy, na may postscript na nagsasabing, "P.S. Know the truth first before you believe rumors."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: