Arnel Pineda, biktima ng fake news tungkol sa habambuhay na pagkakulong
- Pinabulaanan ni Arnel Pineda ang kumakalat na balita na hinatulan siya ng habangbuhay na pagkakulong sa San Francisco, California
- Sinabi niya sa isang Instagram comment na wala siya roon at kasalukuyang nasa isang magandang lugar
- Ipinakita rin niya sa isang hiwalay na post ang skyline ng Metro Manila na nagpapatunay na wala siya sa Amerika
- Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta sa kanya at kinondena ang maling impormasyong kumakalat sa social media
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kumakalat ngayon sa social media ang maling balita na hinatulan umano ng habangbuhay na pagkakulong si Arnel Pineda, frontman ng sikat na bandang Journey. Ayon sa isang YouTube vlog, diumano’y nasentensyahan si Arnel ng life imprisonment ng isang korte sa San Francisco, California, kaugnay ng isang kasong pang-aabuso.

Source: Facebook
Ngunit agad itong pinasinungalingan ng singer mismo sa pamamagitan ng kanyang Instagram page matapos siyang tanungin ng isang follower tungkol sa isyu.
Tanong ng isang netizen: “What’s going on with the YouTube video about you being sentenced to life?”
Diretsahang sagot ni Arnel: “Well, I’m somewhere nice and the sentence was in Sanfo… do the math.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa isang Instagram post nitong March 29, 2025 (Sabado), ibinahagi ng singer na nasa Metro Manila siya, malayo sa sinasabing korte sa Amerika na diumano’y humatol sa kanya.
Sa isa pa niyang post, makikita sa isang video ang napakagandang skyline ng Metro Manila, kung saan nag-eenjoy siya sa tanawin. May caption pa siyang:
“#heatwave in #metromanila won’t stop me from enjoying my #unfiltered #sunsets.”
Dahil dito, malinaw na pawang fake news lamang ang mga kumakalat sa social media, kabilang na ang sinasabing pag-collapse niya sa korte matapos ang hatol.
Maraming netizens ang nagpakita ng suporta kay Arnel at kinondena ang maling balita:
🔹 “Demanda mo Arnel para matuto!”
🔹 “Good to hear from you. I also came across one YT video saying about you being sentenced to life… I looked it up for any news article but I couldn’t find any. Glad you’re okay, bro!”

Read also
Liza Diño-Seguerra, nawalan ng mamahaling relo at laptop sa kanyang checked-in luggage sa NAIA
🔹 “Muntik na’ko maniwala sa mga fake news sa YouTube. Buti na lang nag-research ako.”
🔹 “Kuya Arnel, dati isyu aalis ka na ng Journey. Ngayon lifetime imprisonment naman daw. 😂 Daming jinggeterong Marites.”
Patunay lang ito na sa panahon ngayon, napakahalaga ng fact-checking bago maniwala at magpakalat ng anumang impormasyon online.
Si Arnel Pineda ay isang Pilipinong mang-aawit na ipinanganak noong Setyembre 5, 1967, sa Sampaloc, Maynila. Bago sumikat sa internasyonal na entablado, naging bahagi siya ng ilang lokal na banda tulad ng Ijos at Amo Band noong dekada '80. Noong 2007, nadiskubre siya ng gitaristang si Neal Schon ng American rock band na Journey sa pamamagitan ng mga video niya sa YouTube. Mula noon, siya na ang naging lead vocalist ng banda, na nagdala sa kanya sa iba't ibang panig ng mundo para magtanghal.
Matapos lumabas ang isang video kung saan nahirapan si Arnel abutin ang matataas na nota ng kantang "Don't Stop Believin'" sa "Rock in Rio" sa Brazil, naglabas siya ng pahayag sa Facebook. Dito, inamin niya ang kanyang pagkukulang at nag-alok na lisanin ang banda kung aabot sa isang milyong tao ang magsasabing dapat na siyang umalis.
Sa kabila ng kontrobersiyang kinaharap ni Arnel, ipinahayag ni Jonathan Cain, keyboardist ng Journey, ang kanyang suporta sa pamamagitan ng Instagram. Sinabi niya kay Arnel na hindi ito aalis sa banda at ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa kontribusyon ng singer sa loob ng 16 na taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh