Ivana Alawi, kumasa sa 'shoot shoot' TikTok trend; video, may halos 10M views na
- Viral ngayon ang video ni Ivana Alawi sa kanyang mga socmed accounts
- Ito ay matapos na kumasa siya sa 'Shoot shoot' TikTok trend
- Sa loob lang ng ilang oras, pumalo na agad sa halos 10 million views ang video sa isang socmed plarform pa lamang
- Kamakailan, naging house guest si Ivana Alawi na mabilis na napamahal sa mga housemates ng PBB celebrity collab edition
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mabilis na nag-viral ngayon ang video ni Ivana Alawi kung saan game na game siyang kumasa sa 'Shoot shoot' TikTok trend.

Source: Facebook
Ang 'Shoot shoot' ay awitin ni Andrew E na kamakailan ay kinagiliwang lagyan ng dance steps na siyang sinasayaw ng karamihan lalong-lalo na sa TikTok.Ang 'Shoot shoot' ay awitin ni Andrew E na kamakailan ay kinagiliwang lagyan ng dance steps na siyang sinasayaw ng karamihan lalong-lalo na sa TikTok.
At maging sa iba pa niyang social media ay naibahagi rin ni Ivana ang naturang video kaya naman mabilis na pumalo ang views nito ng halos 10 milyon sa loob lamang ng ilang oras.

Read also
Kylie Padilla, inaming hindi pa siya handa noong nagpakasal: "I didn't really believe in marriage"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil dito, umani ng samu't saring papuri si Ivana. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"More videos po Miss Ivana. Galing!"
"Beautiful inside and out!"
"'Yung maganda ka na nga, magaling ka pa sumayaw!"
"Pretty and talented. You are truly gifted Miss Ivana"
"Kaya naman saglit lang, milyon-milyon na ang views. Magaling ka rin pala sumayaw!"
Samantala, narito ang kabuuan ng naturang video:
Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.
Kamakailan nga ay isa si Ivana sa mga house guest sa Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya.
Samantala sa kabila ng mga nagiging proyekto niya sa telebisyon kamakailan, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.
Matatandaang noong nakaraag Pasko, taong 2024, ilang mga street vendors ang napasaya ni Ivana dahil sa surpresang kanyang dala para sa mga ito. Sa tuwing may papayag na vendor na bigyan na lamang ang kanyang kasabwat, na nagpanggap umano na walang pambayad, lalapit si Ivana para hawakan ang paninda at bibilhin na niya ito lahat. Gayundin ang mga construction workers na labis niyang hinangaan matapos malaman kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga ito sa kanilang trabaho. Ang ilan ay nakatanggap ng malaki-laking halaga, ngunit siniguro ni Ivana na nakakakain ang lahat at nabigyan niya ng pamasko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh