Cristy, sa umano'y pinagkakaabalahan ni Daniel: "'Yun daw girl, nag-aaral sa Baguio"

Cristy, sa umano'y pinagkakaabalahan ni Daniel: "'Yun daw girl, nag-aaral sa Baguio"

- Nabalitaan ni Cristy Fermin ang umano'y pinagkakaabalahan ni Daniel Padilla sa Baguio

- Isang source ang nagsabing madalas pa rin si Daniel sa lugar kahit tapos na ang shoot ng seryeng Incognito

- Ani Cristy, maari namang i-deny ni Daniel o maari naman din daw nitong aminin ang pananatili sa Baguio dahil sa isa umanong babae

- Sa ngayon, wala pang ibang napapabalitang nali-link sa aktor matapos ang breakup nila ni Kathryn Bernardo mahigit isang taon na ang nakalipas

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kanya umanong nabalitaan tungkol sa bagong pinagkaabalahan ngayon ni Daniel Padilla.

Cristy, sa umano'y pinagkakabalahan ni Daniel sa Baguio: "'Yun daw girl, nag-aaral sa Baguio"
Photo: Daniel Padilla
Source: Facebook

Isa umanong source ang nakapagsabi kay Cristy na nanatili at madalas pa rin umano si Daniel sa Baguio kahit tapos na ang shoot ng kanilang teleseryeng Incognito.

"At gaano katotoo ang kwentong umiikot po ngayon? Saan nagsu-shooting ang Incognito? Baguio!"
"Merong balita. Merong isang source na nagsabi na madalas doon si Daniel kahit tapos na ang shoot ng Incognito hindi umuuwi ng Maynila."

Read also

Ai-ai Delas Alas, umaming tinuring na maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinasabing isa umanong babae ang nakilala roon ni Daniel na siyang bago nitong pinagkakaabalahan.

"Meron daw isang girl na parang nililigawan niya. Parang ganun... May pinagkakaablahan"

Gayunpaman, sinabi ni rin ni Cristy na tanging si Daniel lamang ang makakapagkumpirma nito.

"Ito po ay pupuwedeng i-deny ni Daniel at sabihin na naku eto na naman, may mga gumagawa na naman ng kwento. At pwede rin namang tanggapin niya para masabi naman ng ating mga kababayan na kaya naman pala. At may karapatan naman siya na ma-in love. May karapatan naman siyang makipagrelasyon, wala naman siyang sabit"

"'Yun daw girl, nag-aaral sa Baguio... Na nakilala niya, isang gabi na alam mo na e naglilibang din naman si Daniel. Nakilala niya. 'Yun ang dahilan kung bakit kahit tapos na raw ang shoot ng Incognito, andun pa rin siya," dagdag pa ni Cristy.

"Kung hindi totoo, anytime he can deny it. At kung totoo naman, he can say yes!"

Read also

Ogie Diaz, inalmahan ang kandidatong nanlait umano kay Vilma Santos

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Daniel Padilla ay isang kilalang aktor at mang-aawit mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995, at anak siya ng mga aktor na sina Rommel Padilla at Karla Estrada. Naging tanyag siya sa kanyang mga papel sa mga teleseryeng gaya ng Pangako Sa 'Yo, La Luna Sangre, at The Haunted, pati na rin sa mga pelikulang tulad ng Barcelona: A Love Untold, Can't Help Falling In Love, at The Hows of Us.

Kilalang-kilala si Daniel sa kanyang mahusay na pagganap, pati na rin sa pagiging bahagi ng "KathNiel" love team kasama si Kathryn Bernardo, na may malaking base ng mga tagahanga. Subalit noong Nobyenbre 30, 2023, magkasunod na kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan matapos ang mahigit 11 na taong relasyon bukod sa pagiging magka-love team.

Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, ibinahagi nito ang nakarating sa kanyang impormasyon na nagkaayos na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Paglilinaw din ng kanyang source, nagkaayos na ang kahulugan ay nagkakausap na ang dalawa subalit hindi ibig sabihin na nagkabalikan na rin ang KathNiel.

Read also

David Chua, nagka-closure sa ama: "Sana pinuntahan ko siya kaysa nakausap ko siya na nang bangkay”

Smantala, balik telebisyon naman si Daniel Padilla na kabilang sa serye na Incognito. Kasama ni Daniel sa nasabing teleserye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, tambalang Anthony Jennings at Maris Racal gayundin si Richard Gutierrez. Sa ngayon, isa na ito sa pinakaabangang serye ng ABS-CBN na napapanood din sa Netflix. Sa nasabing serye rin muling napaanoood ang isa rin sa mga naging kontrobersyal on-screen partners na sina Maris Racal at Anthony Jennings. Sa kabila ng hinarap na kabi-kabilang isyu, nangibabaw pa rin ang papuri sa husay ng pagganap ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: