Bela Padilla, kinagiliwan sa mala-Bridgerton niyang entry ng "fine dining restaurant"
- Kinagiliwan ng marami ang "fine dining restaurant" entry ni Bela Padilla
- Ito ay dahil sa kanyang 'British accent' na hindi madalas marinig maging ng kanyang mga tagahanga
- Dahil dito, binansagan nila itong mala- Bridgerton na version ng 'fine dining restaurant'
- Matatandaang nag-viral ang 'fine dining restaurant' TikTok na ito ni Toni Fowler kamakailan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Huli man ngunit marami pa rin ang naaliw sa "fine dining restaurant" TikTok entry ni Bela Padilla.

Source: TikTok
Mala-Bridgerton daw umano ang atake ni Bela sa video ni Toni Fowler na pinangangaralan ang kasama sa tamang pag-asta sa isang "fine dining restaurant."
Sa video ni Bela, hindi lamang ang kanyang accent ang nakamamangha kundi maging ang translation niya na mga salitang aakalain mong isa siyang foreigner.
Sa iba pang mga TikTok videos ni Bela kamakailan, madalas nang ma-request ng kanyang mga followers ang pagsasalita niya ng may "British accent" dahil maituturing ito na isa sa mga bagay na kahanga-hanga sa talented actress.

Read also
Liza Diño-Seguerra, nawalan ng mamahaling relo at laptop sa kanyang checked-in luggage sa NAIA
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"From Bridgerton to Harry Potter real quick"
"Napakahusay Miss Bela! More more more! Abangers po kami."
"More videos like this Miss Bela. Nakakaaliw panoorin."
"Pag nakapikit, hindi mo aakalaing si Bela. OMG! ang galing"
"Ano pa ba ang kayang mong gawin Bela Padilla? Very talented"
"Late man ang entry mo na ito pero ito ang pinakagusto kong version sa lahat"
"Amazing Miss Bela. Pati script, classy! Bridgerton series ba ito?"
Samantala, narito ang kabuuan ng video mula sa TikTok ni Bela Padilla:
Si Bela Padilla ay isang kilalang aktres, manunulat, at direktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Nakilala siya nang husto sa mga proyekto tulad ng "The Love Affair", "100 Tula Para Kay Stella", at "Meet Me in St. Gallen". Bahagi rin siya ng noontime show na It's Showtime kung saan nakikita ang kakulitan ng aktres at ang husay din nito sa pagiging isang host.
Madalas kagiliwan si Bela kasama ang kanyang malalapit na kaibigan na sina Angelica Panganiban at Kim Chiu kung saan mas kilala sila sa samahang "AngBeKi." Gaya na lamang kamakailan kung saan ibinahagi nila ang tinawag nilang "Galentine's Dinner" sa halip na Valentine's dinner gayung selebrasyon nila itong tatlong magkakaibigan para sa Araw ng mga Puso.
Taong 2023 nang muling hangaan si Bela sa kanyang proyektong "Yung Libro sa Napanood Ko," kung saan siya ang gumanap na lead actress, nagsulat at siya rin ang director nito. Naging entry rin ito sa 2023 Metro Manila Summer Film Festival kung saan umani ito ng kabi-kabilang nominasyon tulad ng Best Actress para kay Bela at Best Actor para sa co-star niyang si Yoo Min-Gon.
Aktibo rin si Bela sa kanyang TikTok account kung saan madalas nakaabang ang kanyang mga tagahanga. Lalong-lalo na nang ibahagi ni Bela ang isa na namang kamangha-mangha niyang kayang gawin, ang kanyang tunog Briton na pagsasalita. Dahil dito, madalas na itong mai-request ng kanyang mga followers kahit pa minsan na rin niya itong nagagawa kung siya ay nasa It's Showtime.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh