USCIS, pinaboran ang pagbawi ni Ai Ai delas Alas sa petisyon para sa green card ni Gerald Sibayan

USCIS, pinaboran ang pagbawi ni Ai Ai delas Alas sa petisyon para sa green card ni Gerald Sibayan

- Pinaboran ng USCIS ang apela ni Ai Ai delas Alas na bawiin ang petisyon para sa US Green Card ng asawang si Gerald Sibayan

- Awtomatikong binawi ng ahensya ang petisyon noong Enero 8, 2025, matapos matuklasan ang “third party” sa kanilang relasyon

- Kabilang din sa mga hiniling ni Ai Ai ang pagbawi ng mga travel at work permit ni Gerald sa Amerika

- Plano rin ni Ai Ai na makipag-divorce kay Gerald matapos ang kanilang hiwalayan noong Oktubre 14, 2024

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Pinaboran ng United States Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang kahilingan ni Ai Ai delas Alas na bawiin ang petisyon para sa permanenteng paninirahan sa Amerika ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan, matapos lumabas ang ulat na may "third party" sa kanilang relasyon.

USCIS, pinaboran ang pagbawi ni Ai Ai delas Alas sa petisyon para sa green card ni Gerald Sibayan
USCIS, pinaboran ang pagbawi ni Ai Ai delas Alas sa petisyon para sa green card ni Gerald Sibayan (📷Aiai Delas Alas/Facebook)
Source: Facebook

Batay sa ulat ng Abante, wtomatikong binawi ng USCIS noong Enero 8, 2025, ang Petition for Alien Relative na inihain ni Ai Ai noong Hulyo 15, 2021. Ang naturang petisyon ay opisyal na na-revoke noong Marso 17, 2025, at nilinaw sa desisyon ng ahensya na hindi na maaaring iapela ang pagbawi nito.

Read also

Mark Leviste, nagsalita tungkol sa pagbisita ng anak kamakailan kay Kris Aquino

Kasama rin sa mga hakbang na isinagawa ni Ai Ai ang paghingi ng kanselasyon sa travel at work permits ni Gerald sa Amerika. Bagama't una niyang sinabi noong Nobyembre 2024 na hindi niya ipapa-revoke ang petisyon kahit sila'y naghiwalay na, nagdesisyon siyang bawiin ito matapos matuklasan ang tungkol sa "third party."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod dito, balak umano ni Ai Ai na maghain ng divorce laban kay Gerald matapos nitong makipaghiwalay sa kanya sa pamamagitan ng Viber noong Oktubre 14, 2024. Samantala, sa panayam kay Atty. Pia Dyquiangco, legal counsel ni Ai Ai, sinabi nitong si Gerald na ang bahala sa kanyang sariling immigration status.

“What he does after this is up to him and with regard to his immigration, he is on his own,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag si Gerald hinggil sa pagbawi ng petisyon. Patuloy namang sinusubaybayan ng publiko ang magiging susunod na hakbang ng dating mag-asawa kaugnay ng kanilang legal at personal na usapin.

Read also

Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai

Si Ai Ai delas Alas ay isang kilalang aktres, komedyante, at TV host sa Pilipinas na sumikat dahil sa kanyang mga iconic na pelikula tulad ng Ang Tanging Ina series. Bukod sa kanyang tagumpay sa industriya ng showbiz, kilala rin siya sa kanyang matibay na pananampalataya at pagiging bukas sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay. Pinakasalan niya ang mas batang si Gerald Sibayan noong 2017, ngunit kamakailan ay lumutang ang balitang nagkahiwalay na sila.

Dalawang buwan na ang nakalipas, sa isang panayam, diretsahang sinagot ni Ai-Ai delas Alas ang tanong kung nagkaroon na ba sila ng komunikasyon ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan. Ayon sa aktres, hindi siya direktang nakikipag-usap kay Gerald, bagkus ay idinadaan niya ito sa ibang tao tulad ng kanyang manugang.

Nag-ugat ang tanong kung may galit nga ba si Cristy Fermin kay Ai Ai de las Alas matapos niyang madalas na punahin ang komedyana sa kanyang programa. Sa Cristy Ferminute, nilinaw ng beteranang columnist na wala siyang galit kay Ai Ai kundi lungkot ang kanyang tunay na nararamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate