Ogie Diaz, inalmahan ang kandidatong nanlait umano kay Vilma Santos
- Inalmahan ni Ogie Diaz ang kalaban umano ni Vilma Santos sa pagka-gobernador sa Batangas
- Ito ay matapos na mg-viral ang video kung saan makikita kung paano nito nilait umano ang nag-iisang 'Star for all Seasons'
- Dahil dito, pinaalala ni Ogie kung sino ang nag-iisang Vilma Santos sa industriya ng showbiz sa Pilipinas
- Si Vilma Santos ay isa sa mga respetadong aktres sa Pilipinas na kilala rin sa pagiging isang public servant
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Maging si Ogie Diaz ay umalma sa kalaban ni Vilma Santos sa pagka-gobernador ng Batangas na si Jay Manalo Ilagan.

Source: Facebook
Sa nag-viral na video ni Ilagan, nasabi nitong hindi siya natatakot sa nag-iisang 'Star for all seasons."
"Kung ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo, Pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos laang na laos na, hindi ako takot!" ani Ilagan sa naturang video. Paliwanag pa nito, maari raw kasing namamahinga na ang ilan sa mga supporters ni 'Ate Vi' at idinagdag pa niya na mas katatakutan din niya kung makakatunggali niya si Andrea Brillantes.

Read also
David Chua, nagka-closure sa ama: "Sana pinuntahan ko siya kaysa nakausap ko siya na nang bangkay”
Kaya naman maging si Ogie Diaz ay nagbigay ng kanyang komento ukol sa mga naging pahayag ni Ilagan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Alam mo, sa totoo lang, well-repected sa movie industry si Ate Vi, Vilma Santos-Recto. Parang hindi yata alam yun ng ibang tao."
"Hindi niya naalala, babae 'yung sinasabihan niya ng ganun. Nakalimutan niya na siya ay lalake. Nakalimutan niya na rumespeto sa babae. Kung meron siyang isyu o merong isyu sa kanya ang mga Recto, Dun siya sa isyu tumuon," dagdag pa ni Ogie D.
"Kung ang isyu ay kunwari ay korapsyon, Edi doon kayo mag-concentrate, mag-focus dun sa isyu. Bakit sasabihing laos na si Ate Vi?"
"Hindi niya alam ang katayuan ni Ate Vi sa movie industry. Iginagalang po si Ate Vi," paalala pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:
Si Vilma Santos-Recto, isang batikang aktres at politiko, ay kasalukuyang abala sa ilang mga proyekto sa industriya ng pelikula. Noong Pebrero 2023, inihayag niyang magkasama sila ni Christopher de Leon sa isang reunion movie na kukunan sa Japan. Ang pelikulang ito ay isang love story na tumatalakay sa kanilang edad at karanasan bilang mga OFW sa Japan. At sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2024, isa ang pelikula niyang "Uninvited" sa mga naging kalahok sa nasabing film fest. Kasama rin niya naturang pelikula sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Sa kabila ng kanyang mga proyekto sa pelikula, patuloy pa rin siyang nakikilahok sa mga adbokasiya at iba pang mga aktibidad na may kinalaman sa kanyang mga nakaraang posisyon sa gobyerno. Noong 2019, nagsilbi siyang Deputy Speaker ng House of Representatives at naging kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas mula 2016 hanggang 2022.
Sa ngayon, abala si Vilma Santos-Recto ay kumakandidato bilang gobernador ng Batangas sa darating na halalan ng Mayo 2025. Noong Oktubre 3, 2024, nagsama sila ng kanyang mga anak na sina Luis Manzano, na tumatakbo bilang bise-gobernador, at si Ryan Christian Recto, na kandidato para sa pagka-kongresista ng ika-6 na distrito ng Batangas. Ang kanilang mga certificate of candidacy ay isinampa sa ilalim ng Partido Nacionalista.
Siya ay nagsilbi bilang gobernador ng Batangas mula 2007 hanggang 2016 at naging kinatawan ng ika-6 na distrito mula 2016 hanggang 2022. Ang kanyang anak na si Ryan ay tumatakbo para sa parehong posisyon na dati ring hinawakan ng kanyang ama, si Finance Secretary Ralph Recto, bago ito italaga sa kanyang kasalukuyang posisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh