Mark Leviste, nagsalita tungkol sa pagbisita ng anak kamakailan kay Kris Aquino
- Nagsalita si Mark Leviste kaugnay sa pagbisita ng anak niyang si Ronin kay Kris Aquino
- Sinabi ni Mark na hindi siya nakikialam sa mga desisyon ng kanyang mga anak kung sino ang nais nilang bisitahin
- Masaya si Mark na nananatili ang mabuting relasyon ni Ronin kay Kris kahit tapos na ang kanilang relasyon
- Nagdasal si Mark para sa agarang paggaling ni Kris upang makasama pa nito ang kanyang pamilya at mga kaibigan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa naging pagbisita ng kanyang anak na si Ronin Leviste sa Queen of All Media na si Kris Aquino kamakailan. Sa kabila ng pagtatapos ng relasyon nina Mark at Kris, nanatili umano ang magandang samahan sa pagitan ni Ronin at ng aktres.

Source: Instagram
Ayon sa ulat ni Dolly Anne Carvajal ng Philstar, sinabi ni Mark na noong magkasama pa sila ni Kris, madali para sa kanya ang mahalin ang aktres dahil handa siyang gawin ang lahat ng hinihiling nito. “I felt both the passion and compassion to take care of her,” ani ni Mark, lalo na noong dumadaan si Kris sa mahirap na yugto ng kanyang buhay dahil sa sakit.

Read also
David Chua, nagka-closure sa ama: "Sana pinuntahan ko siya kaysa nakausap ko siya na nang bangkay”
Bagama’t nagwakas na ang relasyon nila, ipinahayag ni Mark na hindi niya pinakikialaman ang mga desisyon ng kanyang mga anak, kabilang na ang pagpili kung sino ang nais nilang bisitahin. “My kids are already adults and can make their own decisions, so I don’t interfere with whom they choose to see or where they go,” saad ng Batangas Vice Governor.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Masaya rin si Mark na natutunan ng kanyang mga anak ang kahalagahan ng pagkakaibigan at paggalang sa mga relasyon, maging ito man ay mula sa nakaraan o kasalukuyan. Umaasa rin siya na napasaya ng pagbisita ni Ronin si Kris at nagdasal siya para sa agarang paggaling ng aktres upang makasama pa nito nang mas matagal ang kanyang pamilya at mga kaibigan. “I also pray for her immediate recovery so she can spend more quality time with her family and friends, and make a comeback in showbiz, as her fans truly miss her on TV. All is well,” dagdag pa niya.

Read also
Anak ni Mark Leviste, binisita si Kris Aquino: "Hindi mawawala ang aming pagmamahal kay TK"
Bukod sa pagbisita ni Ronin kay Kris, ibinahagi rin ni Mark na nagkaroon siya ng pagkakataong makasama si Josh, ang anak ni Kris, sa isang wedding reception kamakailan.
Si Kristina Bernadette "Kris" Cojuangco Aquino ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas, na sumikat bilang aktres, TV host, producer, endorser, at negosyante. Ipinanganak siya noong Pebrero 14, 1971, sa mga magulang na sina dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino. Kilala bilang "Queen of All Media," naging tanyag si Kris sa kanyang mga talk show, game show, at pelikula, at naging isa sa mga pinakakilalang mukha sa industriya ng entertainment sa bansa.
Kamakailan, nagbahagi si Kris Aquino ng detalyadong update tungkol sa kanyang kalusugan sa social media. Ibinunyag niya na bagaman negatibo siya sa cancer, kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa lima o anim na autoimmune conditions. Matapos ang kanyang pag-amin, maraming celebrities ang agad na nagpaabot ng kanilang dasal at suporta para sa kanyang agarang paggaling, kabilang sina Iza Calzado, Vina Morales, at Neri Miranda.
Nagkaroon ng makabagbag-damdaming reunion sina Kim Chiu at Kris Aquino sa Los Angeles, California. Sa tulong ni Batangas Vice Governor Mark Leviste, nabigyang-daan ang pagbisita ni Kim kay Kris at sa anak nitong si Joshua. Ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram ang mga larawan at video ng kanilang pagkikita, kalakip ang isang taos-pusong mensahe ng pagmamahal at suporta para kay Kris.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh