Frenchie Dy, binahagi ng saloobin matapos tamaan ng Bell's Palsy sa pangatlong pagkakataon
- Ibinahagi ni Frenchie Dy sa vlog ni Bernadette Sembrano na bumalik ang kanyang Bell's Palsy sa ikatlong pagkakataon
- Sinabi niyang naawa siya sa sarili dahil hindi siya makakapagtrabaho at nag-aalala siya para sa kanyang mga anak
- Pinangangambahan din niya na baka hindi na siya makakanta at makapagpatuloy sa kanyang karera bilang singer
- Sa kabila ng lahat, nananatili siyang matatag at determinado na malampasan ang hamon na ito sa kanyang buhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa vlog ni Bernadette Sembrano, ibinahagi ng singer-actress na si Frenchie Dy ang kanyang emosyonal na karanasan matapos muling bumalik ang kanyang Bell's Palsy sa ikatlong pagkakataon.

Source: Facebook
“Naawa ako una sa sarili ko kasi nga hindi ako makakapag-trabaho. Naawa ako sa sarili ko, parang naiinis ako nung una parang bakit kailangan kong pagdaanan ito ulit. Parang ito na naman,” ani Frenchie habang inalala ang kanyang naging reaksyon nang malaman ang kanyang kondisyon.
Ayon pa kay Frenchie, ang pinakanababahala siya ay ang magiging kinabukasan ng kanyang mga anak.

Read also
Kakai Bautista sa mga nangungulit kung kelan sya magpapakasal: “Ikaw nakaisip, ikaw gumawa!”
“Tapos una iisipin ko mga anak ko. Anong mangyayari kung ganito na ako, baka di na ako makakakanta, di na ako makapag-trabaho kasi kaming mga singers, naka-focus ang camera sa mukha eh,” emosyonal na pagbabahagi ng singer.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng pagsubok, nananatiling matatag si Frenchie at determinado siyang harapin ang hamon ng buhay.
“Kanya-kanya tayo ng pinagdadaanan pero kailangan nating lumaban. Kailangan nating magtagumpay sa ano mang hamon natin sa buhay,” aniya, na nagpapakita ng kanyang positibong pananaw sa kabila ng nararanasang pagsubok.
Patuloy na umaasa si Frenchie na malalampasan niya ang hamon na ito para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
Nakakatuwa naman makita si Frenchie Dy ulit na napaka optimistic and inspiring. Dahil dito nagbasa ako ng information about Bell's Palsy. Thank you, Ms. Bernadette..
Laban lang Ms. Frenchie your a gem sa industry apakahusay mo po. Di naman tayo bibigyan ng pagsubok ni G kung di naten kakayanin we miss you
Happy to see you Ms Frenchie na lumalaban, struggling but never losing hope and faith that one day it will be over again! Like your fighting spirit, get well soon!
Si Frenchie Dy ay kinilala bilang isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa bansa matapos siyang tanghaling Grand Winner ng “Star in a Million” noong 2004, kung saan tinalo niya sina OJ Mariano at Nyco Maca.
Sa kabila ng hamon ng Bell’s Palsy, patuloy na nagpapakatatag si Frenchie at umaasang mabilis siyang gagaling sa tulong ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta.
Kilala si Frenchie sa kanyang mahusay na pagkanta at pagbirit na mala Miriah Carey.
Masayang winelcome ang kanyang ika-apat na anak at sa pamamagitan ng kanyang social media account, naispatan ng KAMI ang mga super cute na larawan ng kanyang 3-araw na sanggol na si Baby Gypher.
Ibinahagi ni Frenchie Dy na muling umatake sa kanya ang Bell’s Palsy sa ikatlong pagkakataon habang kumakain kasama ang kanyang asawa. Agad siyang nagpunta sa ospital upang magpasuri at kinumpirma ng doktor na Bell’s Palsy nga ang kanyang kondisyon. Naging emosyonal siya sa kanyang Facebook videos ngunit tiniyak niyang lalabanan niya ang sakit sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Sinabi niyang una siyang nagkaroon ng Bell’s Palsy noong Grade 5, sumunod noong 2006, at ngayon ay bumalik muli makalipas ang 19 na taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh