Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens

Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens

- Inamin ni Maureen Larrazabal na nabulag siya ng dalawang taon matapos matulog nang hindi tinatanggal ang kanyang contact lenses

- Nagkaroon siya ng pseudomonas infection sa mata na nagdulot ng matinding sakit at pagkabulag habang nasa Hongkong siya

- Sa kabila ng kalbaryong dinanas, nagpapasalamat siya sa GMA dahil hindi siya inalis sa mga palabas kahit may pinagdaraanan siya

- Ibinahagi rin ni Maureen na lumayas siya noong kabataan, tumira sa simbahan, at nabalian ng likod bago pa dumaan sa pagkabulag

Inamin ng Kapuso actress-comedian na si Maureen Larrazabal sa isang show na nabulag siya ng dalawang taon matapos matulog nang hindi tinanggal ang kanyang contact lenses. Sa kabila ng trahedyang ito at iba pang pagsubok na dumaan sa kanyang buhay, pinili pa rin ni Maureen na tingnan ang mga ito sa positibong pananaw.

Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens
Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens (📷Screengrab from Lutong Bahay/GMA Public Affairs on YouTube
Source: Youtube

Naging bukas si Maureen tungkol sa kanyang mapait na karanasan matapos tanungin ng kanyang co-actress na si Mikee Quintos, na host ng naturang programa, kung saan niya hinuhugot ang kanyang sense of humor.

Read also

Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story"

“Hindi talaga kasi ako maarteng tao, hindi ako madrama. ‘Yung lahat na bagay, I make it light. Alam mo sa dami ng pinagdaanan ko, ‘pag kinwento ko, maiiyak ka,” sagot ni Maureen.

Ibinahagi ni Maureen na nagkaroon siya ng pseudomonas infection sa mata na nagdulot ng kanyang pagkabulag. Ayon sa aktres, nakatulog siya nang may suot pang contact lens na hindi nalagyan ng eye drops, dahilan upang matuyo at tumigas ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Bulag ako, two years. Natulog ako nang may contact lens, tapos tumitigas ‘yun ‘di ba kapag hindi ka nag-drops. Na-sl!t open ko ‘yung cornea, pinasukan ng pseudomonas, so pumasok siya sa mata. Pagpasok sa mata ko, few hours lang, that bacteria will melt your eye in 24 hours, ganon siya katindi,” paliwanag ni Maureen.

Ayon pa sa aktres, nasa Hongkong siya nang mangyari ang insidente ngunit sa Pilipinas siya sumailalim sa corneal transplant sa Makati Medical Center. Sa panayam niya sa Manila Bulletin noong 2024, sinabi niyang humingi agad siya ng medikal na tulong sa isang ospital sa Hongkong dahil sa matinding sakit na nararamdaman.

Read also

Sharon Cuneta, proud na pinakita ang malalaking peklat matapos ang surgery

"Napakahirap talaga mag-communicate sa kanila, and one thing that really registered was nung sinabi nila na go home blind," ani Maureen. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang gamutan.

Sa kabila ng kanyang kalbaryo, hindi nawala ang pag-asa ni Maureen. Ibinahagi rin niya kung gaano siya nagpapasalamat sa Kapuso network dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya kahit dumaan siya sa matinding pagsubok.

“Kaya thankful ako sa GMA kasi during that time hindi nila ako tinanggalan ng show. May pinagdaanan ako, pero I have something to look forward to. Every week, pumapasok ako nang naka-shades,” aniya.

Bukod sa pagkabulag, ibinahagi rin ni Maureen na lumayas siya sa kanilang bahay noong kabataan, tumira sa simbahan, at nabalian pa ng likod. Sa kabila ng lahat ng ito, nanatili siyang matatag at positibo sa buhay.

“Parang feeling ko, kung iiiyak ko ‘to, walang mangyayari sa buhay ko. So, if I have a problem, I need to do something about it instead of me crying or dadramahan ko ‘yung buhay,” pagtatapos niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate