Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story"

Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story"

- Naglabas ng cryptic posts si Angillyn Gorens na nagsasaad na itinago niya ang kanyang panig upang protektahan ang reputasyon ng iba

- Marami ang nag-abang sa posibleng susunod na hakbang ni Angillyn matapos ang kanyang mga pahayag sa social media

- Samantala, masayang ipinagdiwang ni Buboy Villar ang kanyang ika-27 na kaarawan kasama ang kanyang girlfriend na si Isay Sampiano

- Kasabay ng selebrasyon, ipinakilala rin ni Buboy si Isay at ang kanilang three-month-old son na si Kyrie sa publiko

Naglabas ng mga cryptic posts sa social media si Angillyn Gorens, dating partner ng aktor na si Buboy Villar, na tila nagpapahiwatig ng kanyang nararamdaman. Sa kanyang unang post, sinabi niya:

Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story"
Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story" (📷Angillyn Gorens/Facebook)
Source: Facebook

"I saved your reputation by not telling my side of the story. Stay humble."

Sa isa pang post ay pinahiwatig niya ang tungkol sa kanyang pananahimik.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pag yung tao pinili niya manahimik na matagal na at pinabayaan na nga niya na siya masama sa mga mata nang mga tao, please lang wag ninyo naman punuin🙊😂"

Read also

Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Angillyn, marami ang nag-abang sa kanyang susunod na hakbang matapos ang mga pahayag na ito. Hindi rin malinaw kung kanino patungkol ang kanyang mga cryptic posts, ngunit umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.

Samantala, kamakailan ay masayang ipinagdiwang ni Buboy Villar ang kanyang ika-27 kaarawan kahapon, Marso 21, 2025, sa set ng Your Honor, ang kanyang vodcast show kasama si Tuesday Vargas. Nagulat si Buboy nang sorpresahin siya ng kanyang girlfriend na si Khrizza Mae “Isay” Sampiano ng birthday cake.

Bukod sa selebrasyon, naging relationship reveal din ito para kina Buboy at Isay sa publiko. Sa unang pagkakataon, ipinakilala ni Buboy si Isay bilang kanyang bagong inspirasyon, at ibinahagi rin niya na mayroon na silang three-month-old son na si Kyrie. Sa parehong araw ng kanyang kaarawan, bininyagan din ang kanilang anak, kung saan kabilang sa mga ninong at ninang ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young.

Read also

Sharon Cuneta, proud na pinakita ang malalaking peklat matapos ang surgery

Si Kyrie ang ikatlong anak ni Buboy Villar, na may dalawa pang anak — sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5 — sa dating partner niyang si Angillyn. Bagama’t nagkahiwalay noong Oktubre 2020, nananatiling magkaibigan sina Buboy at Angillyn para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Disclaimer: Bukas ang KAMI sa anumang pahayag mula sa kampo ng inaakusahan upang maiparating ang kanilang panig kaugnay sa isyung ito.

Si Buboy Villar ay isang kilalang aktor, komedyante, at TV host sa Pilipinas na sumikat sa pagganap niya bilang Apolinario Mabini sa pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.” Nagsimula siya sa showbiz bilang child actor at naging bahagi ng “Little Big Star” noong 2006. Nakilala rin siya sa mga teleserye at comedy shows tulad ng “Dyesebel” at “Bubble Gang.”

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Read also

Buboy Villar, pinakilala ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: