Angillyn Gorens, umalma: "They keep using my kids on their interviews"

Angillyn Gorens, umalma: "They keep using my kids on their interviews"

- Umalma si Angillyn Gorens matapos gamitin umano ang kanilang mga anak sa mga panayam ni Buboy Villar

- Nagpahayag ng pagkadismaya ang kapatid ni Angillyn na si Veybillyn Gorens

- Sumagot si Angillyn sa komento ng netizens at sinabing sumabog na siya dahil sa umano'y maling pahayag na lumalabas tungkol sa kanila

- Ni-repost din ni Angillyn ang post ni Xian Gaza

Nagpahayag ng sama ng loob si Angillyn Gorens, dating partner ng aktor na si Buboy Villar, sa social media.

Angillyn Gorens, umalma: "They keep using my kids on their interviews"
Angillyn Gorens, umalma: "They keep using my kids on their interviews" (📷Angillyn Gorens/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang viral post ng kapatid ni Angillyn na si Veybillyn Gorens, ipinahayag nito ang pagkadismaya. Ayon kay Veybillyn:

"1 month nyo hindi dinalaw yung mga bata tapos kahapon dinalaw nyo? hahahaha. kasi???? 😂😂 ganyan kayo kakups hindi nyo naaalala yung mga batang wala na nga yung nanay sa Pilipinas ikaw na nga lang anjan DAPAT para saknila TAPOS SASABIHIN NYO INSECURE YUNG NANAY?! KAHIT AKO NANAY NYAN MABABADTRIP AKO SAINYO porke may bagong baby KINAKALIMUTAN NYO!? ako ngang tita 2 times A WEEK KO PINUPUNTAHAN MGA ANAK NYO."

Read also

Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi rin napigilan ni Angillyn na sumagot sa ilang komento ng netizens. Nang tanungin ng isang netizen kung bakit ngayon lamang siya nag-react, tugon ni Angillyn:

"Cause they keep using my kids on their interviews and their statements are far from the truth. Edi sumabog na ako."

Si Buboy Villar ay isang kilalang aktor, komedyante, at TV host sa Pilipinas na sumikat sa pagganap niya bilang Apolinario Mabini sa pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.” Nagsimula siya sa showbiz bilang child actor at naging bahagi ng “Little Big Star” noong 2006. Nakilala rin siya sa mga teleserye at comedy shows tulad ng “Dyesebel” at “Bubble Gang.”

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Read also

Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: