Ruffa Gutierrez, nagbahagi ng mensahe tungkol sa past: "Place to learn from, not to live in"
- Nagbahagi si Ruffa Gutierrez ng mensahe na nagsasabing ang nakaraan ay lugar para matuto
- Kinumpirma ni Yilmaz Bektas na balak niyang bumisita sa Pilipinas sa lalong madaling panahon
- Naibahagi ni Ruffa na plano umano ni Yilmaz na muling mag-propose at pakasalan siya
- Masaya si Ruffa na maayos na ang relasyon nila ngayon para sa kapakanan ng kanilang mga anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi si Ruffa Gutierrez ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram kamakailan. Ayon sa aktres, “The past is a place to learn from, not to live in.” Marami ang naka-relate sa kanyang pahayag na tila paalala na ang mga pinagdaanang karanasan ay dapat maging aral sa halip na maging hadlang sa pag-usad ng buhay.

Source: Instagram
Samantala, kinumpirma naman ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas ang balitang bibisita siya sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories. “I would like to say, yes, these news are true. I will be visiting the Philippines soon,” ani Yilmaz sa kanyang maikling pahayag.
Naunang isiniwalat ni Ruffa sa isang press conference na plano umano ni Yilmaz na mag-propose at muling pakasalan siya. “He couldn’t find someone like me and kept searching all over the world. In fact, he wanted to propose and marry me again. I initially thought he was joking,” pagbabahagi ni Ruffa. Nagbiro pa ang aktres na inisip niyang baka may ibang plano si Yilmaz nang imbitahan siyang mag-train tour sa buong Europe. “Sabi ko, ‘Totoo ba ‘to or baka he’s planning my murder on the plane or train,’” pabirong saad ni Ruffa.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng kanilang hiwalayan noong 2007 matapos ang apat na taong pagsasama, masaya si Ruffa na maayos na ang kanilang relasyon ngayon. “We’re best friends now… kahit saan umikot si Yilmaz sa mundo, iisa lang ang Ruffa at alam niya ‘yun,” ani Ruffa. Dagdag pa niya, nananatili ang kanyang hangarin na maging matagumpay si Yilmaz dahil ang tagumpay nito ay tagumpay rin ng kanilang mga anak.
Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, beauty queen, at TV host. Siya ay kinoronahang Binibining Pilipinas World 1993 at naging second runner-up sa Miss World 1993. Kilala rin siya sa showbiz bilang bahagi ng pamilyang Gutierrez, kung saan ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Bukod sa pagiging aktres, naging host din siya ng iba’t ibang talk shows at reality programs sa telebisyon.
Siya rin ay dating maybahay ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, at sila ay may dalawang anak na babae, sina Lorraine at Venice Bektas.
Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya.
Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh