Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino

Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino

- Ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang pagmamalaki sa pagtatapos ng high school ng kanyang stepson na si Quino sa Xavier School

- Nagpahayag din si Senador Chiz Escudero ng kasiyahan sa achievement ng anak sa pamamagitan ng Instagram

- Nagbigay ng pagbati si Camille Ongpauco, kapatid ni Heart, kay Quino at sinabing proud siya rito

- Ipinakita ni Heart na siya ay isang hands-on at supportive na stepmom sa kambal na anak ni Chiz Escudero

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagkaroon ng proud mom moment ang fashion icon na si Heart Evangelista nang magtapos ng high school ang kanyang stepson na si Quino kamakailan lamang.

Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino
Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino (📷@iamhearte/IG)
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng aktres ang ilan sa mga kaganapan sa graduation ceremony na ginanap sa Xavier School. Sa isa sa mga video na kanyang ibinahagi, may caption itong, “My Quino boy. So proud of you!” na nagpapakita ng kanyang pagmamalaki sa tagumpay ng anak ni Senador Chiz Escudero.

Read also

Sharon Cuneta, proud na pinakita ang malalaking peklat matapos ang surgery

Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino
Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino (📷@iamheartg/IG Stories)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Senator Chiz ay hindi napigilang ipahayag ang kanyang kagalakan para sa anak. Sa kanyang Instagram post, sinabi nito, “Congrats anak, Quino! We are proud of you,” na may kasamang larawan ng kanilang pamilya sa naturang seremonya.

Nagbigay rin ng pagbati si Camille Ongpauco, kapatid ni Heart, na nag-iwan ng komento na, “Love you Kuya!! Always proud of you.”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na very supportive at hands-on si Heart sa pagiging stepmom sa kambal na anak ni Chiz Escudero. Noong panahon ng pandemya, inamin ng kambal na malaking pasasalamat nila kay Heart dahil ito ang nagsilbing mother figure sa kanilang magkapatid.

Sa isang panayam noong nakaraang taon, inamin ni Heart na masaya siyang laging nandiyan para sa kanyang stepchildren. “I love being there for them,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “I have been in their lives since they were 4; now they’re 16. It’s really fulfilling to see them like that.” Ibinahagi rin ni Heart kung gaano sila nag-bond bilang isang pamilya sa paglipas ng mga taon.

Read also

Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai

“I’m so happy that we have bonded as a family throughout the years,” ani Heart. “Love isn’t something you force; it has to naturally happen,” dagdag pa niya.

Tunay na kahanga-hanga ang pagmamalasakit ni Heart Evangelista sa kanyang stepchildren, na patuloy niyang minamahal at inaasikaso na parang tunay na anak.

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento at reaksiyon. Marami sa mga netizens ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit at estilo.

Read also

Buboy Villar, pinakilala ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie

Samantala, binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate