Kris Aquino, inedit ang naunang post: Nagpaalam sa dalawang bata na mahal na mahal niya

Kris Aquino, inedit ang naunang post: Nagpaalam sa dalawang bata na mahal na mahal niya

- Inedit ni Kris Aquino ang kanyang naunang post upang ipahayag ang pagmamahal sa dalawang batang tinawag niyang “M and M”

- Ibinahagi niya na hindi na niya makikita ang paglaki ng dalawa ngunit natupad niya ang kanyang mga pangako sa kanila

- Inamin niya na kumapit siya nang mahigpit sa dating minamahal na nagbigay sa kanya ng pag-asa at seguridad

- Nagdasal siya na sana’y maiwas ang iba sa kabiguang kanilang naranasan

Inedit ni Kris Aquino ang kanyang naunang post sa Instagram upang ipahayag ang pagmamahal niya sa dalawang bata na tinukoy niya bilang “M and M.” Sa bagong pahayag, inamin ni Kris na hindi na niya makikita ang paglaki ng mga bata matapos ang kanyang naging rebelasyon.

Kris Aquino, inedit ang naunang post: Nagpaalam sa dalawang bata na mahal na mahal niya
Kris Aquino, inedit ang naunang post: Nagpaalam sa dalawang bata na mahal na mahal niya (📷@krisquino/IG)
Source: Instagram

I edited because there are 2 children whom I LOVE; they will remain in my heart. BIMB is my source of strength, while M and M made me smile, laugh, and value life’s simple pleasures,” ani Kris sa kanyang edited post.

Read also

Anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino, nagsalita na

Bagama’t mahirap para kay Kris na tanggapin ang sitwasyon, tiniyak niya na natupad niya ang kanyang mga pangako sa dalawang bata. “I know because of this post I won’t see the 2 of you grow up – please remember mama kris fulfilled her promises: Alvin brought your new iPads last night,” dagdag ni Kris. Ibinahagi rin niya ang ilang masasayang alaala na kanilang pinagsaluhan. “We shared cotton candy, strawberry milk, and milk chocolate,” aniya.

Inamin din ni Kris na nagkamali siya sa pagkapit nang mahigpit sa dating minamahal, na ibinalik ang kanyang pag-asa sa pagmamahal. “INIWAN KITA, masikip ang paligid,” pahayag ni Kris, na tila tinutukoy ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Dagdag pa niya, “I did cling & asked for too much because YOU RESTORED MY HOPE, WHEN IN YOUR ARMS I DID FEEL SAFE. I don’t regret loving you completely. Sanay akong mabigo,” pagpapahayag niya ng kanyang katapatan sa kabila ng sakit ng pagkabigo.

Read also

Iya Villania, bumalik na sa pagwoworkout matapos ang ng buwan ng panganganak

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pagtatapos ng kanyang post, nagdasal si Kris na sana’y maiiwas ang iba sa kabiguang kanilang naranasan. “My prayer now is that we leave others out of our failure,” ani Kris.

Sa kabila ng matinding emosyonal na pinagdaraanan, ipinakita ni Kris Aquino ang kanyang walang kapantay na pagmamahal at dedikasyon hindi lamang kay Bimby kundi pati na rin sa dalawang bata na patuloy na mananatili sa kanyang puso.

Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.

Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.

Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.

Read also

Sofia Andres, sumagot sa komento ng netizen:"Who said I’m not married?"

Hindi napigilan ni Darla Sauler, ang TV writer at matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kanyang reaksyon nang makita ang namagang paa ng Queen of All Media. Binisita ni Darla si Kris sa kanyang tahanan, kung saan makikita sa Instagram ang larawan nila ni Kris kasama si Bimby, na nakaakbay pa kay Darla.

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate