Anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino, nagsalita na

Anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino, nagsalita na

- Nagsalita na ang anak ni Dr. Mark Padlan, upang ipagtanggol ang kanyang ama mula sa mga maling kwento tungkol sa kanilang relasyon ni Kris Aquino

- Ipinahayag niya na minahal ng kanyang ama si Kris ngunit hindi sapat ang pagmamahal para magtagal ang kanilang relasyon

- Ibinahagi rin niya na nagsakripisyo ang kanyang ama para kay Kris kahit na naapektuhan ang oras nito sa kanilang magkakapatid

- Nanawagan siya na huwag nang magpakalat ng maling kwento at iginiit na nananatili ang respeto nila kay Kris

Nagsalita na si ang anak ni Dr. Mark Padlan, dating nobyo ni Kris Aquino, upang ipagtanggol ang kanyang ama mula sa mga maling kwento at mapanirang salaysay na kumakalat sa social media. Sa isang emosyonal na post na pinamagatang “A Son’s Love and Truth: Defending My Father’s Honor,” nilinaw niyang ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Dr. Padlan at Kris, at ibinahagi rin niya ang mga sakripisyong ginawa ng kanyang ama para kay Kris kahit na ito ay nagdulot ng hirap sa kanilang pamilya.

Read also

Ogie Diaz sa madalas gawin noon ni Mavy sa GF na si Ashley sa PBB: "Nakakakilig nga 'yan"

Anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino, nagsalita na
Anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino, nagsalita na (📷@krisaquino/IG)
Source: Instagram

Ayon sa kanya, naghiwalay sina Kris at Dr. Padlan dahil nawala na ang “spark” sa kanilang relasyon. Bagama’t hindi nagtagal ang kanilang pagsasama, binigyang-diin niya na totoo ang pagmamahal ng kanyang ama kay Kris. Ibinahagi rin niya na naglaan ng oras at pagsisikap si Dr. Padlan para mapanatili ang relasyon nila ni Kris, kahit pa madalas itong lumilipad sa Amerika upang makasama ang aktres. Ayon pa sa kanya, nagawa ito ng kanyang ama kahit na naapektuhan na ang kanyang kalusugan, negosyo, at relasyon sa kanilang pamilya.

Dagdag pa niya, bagama’t naramdaman nila ng kanyang mga kapatid ang kawalan ng oras ng kanilang ama, nauunawaan nila ang sitwasyon dahil nakita nila kung paano kailangan ni Kris si Dr. Padlan sa panahong iyon. Nilinaw rin niya na hindi kailanman humingi ng anumang bagay si Dr. Padlan kay Kris, at anumang naibigay ng aktres, maging pinansyal man o regalo, ay mula sa kabutihan ng kanyang puso.

Read also

Ogie Diaz, may binahagi tungkol kay Enrique Gil: "Love pa rin niya si Liza"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino, nagsalita na
Anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino, nagsalita na
Source: Facebook

Sa kabila ng lahat ng sakripisyo, binigyang-diin nito na nanatiling tapat at matatag ang kanilang ama sa kanilang pamilya, kahit sa pinakamahirap na panahon. Ipinaliwanag din niya na aalis na ng bansa ang kanyang ama upang alagaan ang kanyang tiyahin na sumailalim sa operasyon, na aniya’y patunay ng pagiging mapag-alaga at unahin ng kanyang ama ang iba bago ang sarili.

Nanawagan siyang itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon at hiniling na huwag nang dungisan ang pangalan ng kanyang ama. Sa kabila ng kanilang nararamdaman, ipinahayag pa rin niya ang respeto nila kay Kris Aquino at ang pagmamahal nila sa kanilang ama.

“We love you, Mama Kris, and we love our father as well. Family is family. That is why I am here—to support my father and stand by my family.”

Sa kasalukuyan, wala pang tugon si Kris Aquino sa pahayag niyang ito, ngunit patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang magiging sagot ng aktres sa isyung ito.

Read also

Annabelle, Rama, naniniwalang mahal pa nina Ruffa at Yilmaz ang isa't-isa

Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.

Hindi napigilan ni Darla Sauler, ang TV writer at matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kanyang reaksyon nang makita ang namagang paa ng Queen of All Media. Binisita ni Darla si Kris sa kanyang tahanan, kung saan makikita sa Instagram ang larawan nila ni Kris kasama si Bimby, na nakaakbay pa kay Darla.

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate