Iya Villania, bumalik na sa pagwoworkout matapos ang ng buwan ng panganganak

Iya Villania, bumalik na sa pagwoworkout matapos ang ng buwan ng panganganak

- Masayang ibinahagi ni Iya Villania ang kanyang pagbabalik sa pagwo-workout matapos ang ilang buwan mula sa kanyang panganganak

- Mas pinapahalagahan na ngayon ni Iya ang pagpapalakas ng kanyang katawan kaysa sa pagbabalik ng dating hubog ng katawan

- Ibinahagi ni Iya na nakakatulong sa kanya ang pag-eehersisyo hindi lamang para sa kalusugan kundi para rin sa bonding at chika kasama ang mga kaibigan

- Tanggap na ni Iya na may mga bahagi pa rin ng kanyang katawan na "fluffy" ngunit mas mahalaga para sa kanya ang pagiging malakas at masaya

Matapos ang isang buwan mula sa kanyang panganganak, masayang ibinahagi ng TV host at celebrity mom na si Iya Villania ang kanyang pagbabalik sa pagwo-workout.

Iya Villania, bumalik na sa pagwoworkout matapos ang ng buwan ng panganganak
Iya Villania, bumalik na sa pagwoworkout matapos ang ng buwan ng panganganak (📷@iyavillania/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Iya na dati siyang nagmamadali upang maibalik ang kanyang pre-pregnancy body. Subalit, matapos ang limang anak, mas naging maunawain na siya sa kanyang katawan at mas pinapahalagahan ang kakayahan nitong makapagbigay-buhay.

Read also

Ryza Cenon, napagkamalanng may iniindang sakit matapos magpakalbo

"What I really go to the gym for 🙊😆 I used to be in such a rush to get back to my prepregnancy body, but now - after 5 kids - I’ve become more patient with my body just respecting it and being in awe of what its been able to do time and time again 🥹 Thank you, Lord 🙌🏼," ani Iya.

Ayon pa kay Iya, hindi na siya nagwo-workout upang maibalik ang kanyang dating katawan kundi upang maramdaman ang magandang epekto ng pag-eehersisyo sa kanyang kalusugan at kaisipan. Dagdag pa niya, nakakatulong din ito upang makasama ang mga kaibigan at makapag-chika habang nag-eehersisyo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Yes, I am working out - not to get back to what it was - but simply because it makes me feel good (only AFTER the workout 😂) The endorphins, the energy, the friends and chika…😆 Plus who doesn’t feel good about being able to reap the benefits of the work that they put in? 👍🏼"

Read also

Kim Chiu, sumagot matapos humingi ng dispensa ng isang netizen sa kanya

Aminado rin si Iya na mayroon pa ring mga bahagi ng kanyang katawan na "fluffy," ngunit tanggap na niya ito at mas nakatuon sa pagpapalakas ng kanyang katawan kaysa sa pagbawas ng timbang.

"I honestly don’t know how much of the fluff I’ll be able to get rid of this time around but I’m just happy to be back on the road to gaining strength again 💪🏼 Strength is the goal, fat loss is the bonus and chika is the priority 😂"

Maraming netizens ang humanga sa pagiging totoo ni Iya at sa kanyang pagiging inspirasyon sa mga ina na unahin ang kalusugan at kaligayahan sa halip na pilit na ibalik ang dating katawan.

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Read also

Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.

Kamakailan ay binahagi ni Iya na tuluyan nang natanggal ang front teeth ng anak niyang si Leon sa edad na limang taon. Ikinuwento niya na inakala nila ni Drew na na-save nila sa pagkakabunot ang dalawang ngipin nito nang unang matumba siya. Gayunpaman, masaya daw ang kanyang anak kaya kinalaunan ay mayroon siyang napagtanto. Aniya, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng anak niya at aminado siyang naisip niya ang maaring sabihin ng ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate