Ryza Cenon, napagkamalanng may iniindang sakit matapos magpakalbo
- Inamin ni Ryza Cenon na napagkamalan siyang may sakit matapos ibandera ang kanyang pagiging kalbo para sa pelikulang “Lilim”
- Nagdesisyon siyang magpakalbo upang mas maging epektibo ang pagganap sa kanyang karakter at maiwasan ang paggamit ng bald cap
- Natuwa si Ryza dahil sa inspirasyong naibigay niya sa mga cancer patients na nagpapasalamat sa kanyang pagiging kalbo
- Ipinakita ni Ryza na hindi nangangahulugang may sakit ang isang tao dahil lamang sa pagiging kalbo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Inamin ni Ryza Cenon na napagkamalan siyang may iniindang sakit matapos niyang ibandera sa publiko ang kanyang pagiging kalbo.

Source: Instagram
Sa kanyang naging panayam sa Kapamilya broadcast-journalist na si Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel nito, sinabi niyang ang dahilan ng kanyang pagpapakalbo ay para sa karakter niya sa pelikulang “Lilim.”
“No’ng nag-story con kami and then no’n ko po nalaman na lahat po kami kalbo. May isa pong cast na nag-look test po ng bald cap. And nakita ko po sa kaniya kung nakakakilos ba siya nang maayos […] so nakikita ko po na nahihirapan siyang maglingon-lingon,” saad ni Ryza.

Read also
Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom
Upang makapagpokus siya sa kanyang pag-arte at pagganap sa kanyang karakter, nagdesisyon siyang magpatanggal ng buhok.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Sabi ko, hindi yata ako komportable sa gano’n kasi malilimitahan po ‘yong acting ko, ‘yong galaw ko, lahat. Kasi iintindihin ko siya kung paano siya hindi magmukhang prosthetic,” dagdag pa ni Ryza.
Kaya naman, laking gulat ng kanyang mga katrabaho nang makita siyang kalbo sa unang araw ng kanilang shooting.
Wala namang naramdamang pagsisisi si Ryza sa kanyang naging desisyon dahil nasa bucket list pala niya ang pagpapakalbo. Subalit, may mga tao rin na inakala na may sakit siya dahil rito.
“Actually, nasabi nga nila parang may sakit daw po ako dahil nga nagpakalbo. Pinakita ko po na hindi ibig sabihin kalbo ka, may sakit ka.
“Natuwa rin po ako kasi ‘yong mga cancer patient po nagme-message sa akin. Nagte-thank sila na parang ‘thank you. Na-inspire kami sa ‘yo. Kahit kalbo ka hindi mo ikinahiya.”
Dahil dito, nagkaroon ng mas malalim na dahilan ang pagiging kalbo ni Ryza na labis niyang pinagmamalaki.
Si Ryza Cenon ay nakilala nang siya ay tanghaling Ultimate Female Survivor ng "StarStruck" Season 2, ang reality talent search ng GMA-7. Gayunpaman, naging usap-usapan ang paglipat ng aktres sa Kapamilya station noong April 12, 2018 at maging bahagi ng ilang teleserye sa ABS-CBN kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.
Binahagi ni Ryza Cenon ang update kaugnay sa kanyang natanggap na water bill na umabot sa mahigit P120,000. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Ryza na pinayuhan sila na ipa-check ang tubo kung may tagas at mayroon nga ngunit maliit lang naman umano kaya pinagtataka niya kung bakit umabot sa ganoong halaga.
Nagbahagi ng house tour si Ryza Cenon sa pinagawa nilang bahay. Ito ang una nilang family home kaya naman gumastos daw sila nang todo para dito. Gayunpaman, aminado si Ryza na hindi sila masyadong masaya sa kinalabasan ng kanilang bahay dahil hindi daw pulido ang pagkakagawa. Aniya, natagalan ang kanyang pag house tour dahil kinailangan nilang tumira sa ibang lugar tuwing may problema at kailangang ayusin ng contractor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh